Clark's POV
Naiiyak ako na hindi ko maintindihan. Umalis ako sa mansyon. Gusto kong makausap si Steppen para malaman ko ang opinyon niya tungkol sa nangyari. Nakita ko siyang nakaupo.
"Ano na?" Bungad niya. Ngumiti siya pero halatang seryoso. Nakataas lang ang paa. Umupo ako sa upuan sa gilid ng opisina niya. "Dismayado ka ba? Ganun talaga ang buhay." Hindi ako nagsalita. "After one hour, susunduin namin ang dalawang bihag. Usapan kasi ay wala munang mga pulis."
"Paano kung hindi sila tumupad?"
"Tutupad sila. Hindi pwedeng hindi. Dahil wala nang magtitiwala sa kanila kung gagawin nila 'yun. Hindi na masusunod ang mga kondisyon nila sa susunod. May hangarin sila kaya nakikipagkasundo sila. At kailangan nilang tumupad para maisagawa ang lahat ng hangarin nila. Hindi pwedeng sirain nila ang tiwala ng mga tao dahil may kailangan sila." Kampanteng nakatingin sa'kin si Steppen.
Wala kasi siyang problema. Oo problema ito para sa kaniya pero alam kong hindi ganun ka bigat. Mahal ko si Diana kaya sobrang sakit ng pwedeng mangyari. Para kay Steppen ay isa itong problema na hindi sangkot ang damdamin. "Sabi sa'kin ni Diana, pwedeng nagbayad ang isang sindikato ng droga sa terorista." Sabi ko.
"Ang terorista ay hindi tumatanggap ng taong papatayin nila."
Pinapalakas ni Steppen ng loob ko. What does it mean? "Pwes ito ang unang hiling nila para kapalit ay buhay."
"Minsan pera, minsan may gusto silang gawin na hindi nila magawa kaya mangbibihag sila. Hihiling ng kung ano ano. Hihiling na alisin ang dipensa o sundalo. Pero ni minsan, hindi sila humiling ng buhay. Dahil kaya naman nilang patayin ang target nila. Kaya nilang pumatay ng higit sa isang libong tao. Kung tutuusin nga, isang hijack lang at pabagsakin ang eroplano sa White House, kaya nilang gawin kung gugustuhin nila pero hindi nila ginagawa dahil may dahilan ang bawat kilos nila. Ano ba ang mapapala nila kung makapatay sila ng Presidente? Wala din naman. Lalo lang liliit ang mundo nila. Oras na maging desperado ang America, kaya nilang maglunsad ng digmaan para lang maubos ang mga terorista. Pero maraming sinasa-alang alang na inosenteng madadamay. Parang ikaw na ayaw mong suntukin ang tao kahit tinatapakan na niya ang pagkatao mo dahil ayaw mong magkaroon ng kaaway because mahirap itong labasan. Kung pera pera din lang, hindi na nila kailangan pang sumandal sa sindikato dahil kaya nilang pumugot ng ulo para sa pera. Kung magulo ang isip mo Clark, hindi mo maiisip ang naiisip ko. Pero ngayong dismayado ka, iisipin mo talaga ang pinaka nakakatakot. Maging kalmado ka lang."
Nakatulala ako. Sana nga totoo ang sinasabi ni Steppen. Oras na malampasan ko lang talaga ang lahat ng ito, aayusin ko na. Kung kailangang kadenahin ni Diana ay gagawin ko. "Pero, Steppen!! Paano kung buhay nga ang gusto nila? Wala akong nakikitang dahilan dito bukod sa buhay o gusto nilang isama si Diana sa grupo nila. Kung hindi sindikato ng droga ang may gawa.. ano ang mangyayari!!" Medyo mataas na ang boses ko.
"Calm down okay? Maghintay na lang tayo dahil buhay na ang pinag-uusapan. Sa ganitong usapin, kung hindi susundin ang bumihag, patay ang mga bihag. Pugot ulo."
Nalungkot ako. Naghintay pa ako ng ilang sandali. "Detective." Tawag ng isang pulis at nagkasenyasan sila. Tumayo si Steppen.
"Oh pa'no, oras na. Gusto mong sumama?"
"Kayo na lang."
Nablangko ako at namalayan ko na lang na wala na sila Steppen. May ilan pang mga pulis akong nakita. Gusto kong ipakita sa kanila na malungkot ako. Gusto kong umiyak sa kanila para malaman nila kung gaano kasakit ang nangyari. "Kuya!" Habang nakaupo ako ay may narinig akong boses.
"Tina?" Lumapit sa'kin ang kapatid ko. Kasama niya ang Lolo at Lola ko. "Ano ang ginagawa niyo dito?" Yumakap sila sa'kin.
"Clark, nag-aalala kami sa mag-ina." Sabi ng Lola ko.