3rd Person's POV
Matapos makipag-usap ni Diana sa Presidente ay nagkaroon siya ng trabaho. Isang daang porsyento ay nasa normal na siya sa ngayon. Ang hindi lang alam ng lahat ay may pinanghahawakan siyang pangako sa sarili niya. Nang mabalitaan ni Steppen na buhay si Diana ay nakatanggap din siya ng utos na huwag na itong hulihin. Minabuti na lang niyang makipag-usap dito. Sinadya siya ni Diana sa mismong office niya. Kumatok at pumasok. Dahil inaasahan na siya ni Steppen ay hindi muna ito tumingin sa babaeng pumasok. Saka siya nagbigay pansin ng maramdaman niya si Diana sa harap niya. Tumingin siya sa mukha nito. "Ikaw nga."
"Huwag mong sabihing hanggang ngayon duda ka pa na buhay talaga ako?"
"Umupo ka." Umupo si Diana. Napakasimple ng ayos niya. Para siyang ordinaryong babae. May dalang bag at nakashorts lang. Parang magshoshopping sa mall. At dahil ilang araw na din ang lumipas ay nakabawi na sa pagkakabigla si Clark. Inuna muna nito ang trabaho. "Inaamin kong kahit umaasa akong buhay ka ay nabigla parin ako."
"Kung ikaw ang tatanungin, Detective, ano ang nasa isip mo nitong nagdaang buwan na wala ako?"
Ngumiti si Steppen. "Wala. I mean.." Nag-isip ng sasabihin kahit nakahanda na ang lahat ng sasabihin niya. "Ang terorista ay hindi gawaing hindi ibigay ang katibayan na napatay nga nila ang biktima. In your case, may chance talaga na buhay ka dahil posibleng peke ang itinapon sa dagat. Pero ang terorista ay hindi nagsasabi ng mali sa madla. Kaya iisa lang ang inisip ko. Maaaring patay ka na nga dahil wala kang dahilan na hindi magpakita. Tanging ikaw lang ang nakakaalam."
"Pero imposibleng wala kang iniisip na dahilan ko kaya hindi ako nagpakita kung sakaling buhay nga ako."
"Wala kang mahihingan na tulong kundi si Sid na naging malapit sa'yo dahil ilang taon ang nakalipas ay nabiktima ang tatlo niyang kamag-anak. At ito nga ang sapilitan mong kinuha sa kulungan na nagpakamatay na dahil wala na siyang silbi. At ang balitang 'yun ang tumakot sa maraming masasama kaya hindi na nahirapan ang gobyerno na supilin ang ipan sa mga masasama. Simple lang, pera at kasabwat ang kailangan mo. 'Yun ang nasa-isip ko. At isa pa, gusto mong tumigil sa pag-patay pero hindi ito pwedeng gawin nang biglaan dahil buhay ka. Gusto mong palabasin na patay ka na para mabilis na malimutan ng mga tao ang lahat." Nangamot ng ulo si Steppen. "Nabawasan ang mabigat na isipin ko ng mawala ka pero naging mabigat ang ibang trabaho dahil nag-iba ang style ng krimen ngayon. May namamatay ng masyadong misteryo ang pangyayari. Hindi tulad noon na halata kung sino ang pumatay kaya ang problema na lang ay kung paano mapapaamin o hahanapin ang kriminal. Nawala na ang malaking krimen na matagal nang naghahari dito."
"Pero, wala kang katibayan sa mga nangyari sa'kin. Ito ay dahil hindi mo pa alam kung bakit sinabi ng mga terosista ang mga bagay na hindi nila ginawa. Dinadaan mo ako sa kwento. Hanggang ngayon ay kalaban parin kita Steppen dahil diyan. Pero masyado akong mautak para iligaw ako sa mga ganiyan."
Ngumiti si Steppen. "Alam ko ang dahilan, Diana."
"Ako na si Clariss ngayon. Patay na si Diana."
"Kung sino ka man, alam ko ang pinakamalapit na dahilan kung bakit nagawa nila 'yun. Ang utak ng tao ay may hangganan dahil hindi tayo perpekto. Maaaring hindi kayang abutin ng utak nila kung gaano ka kagaling kaya alam kong nakagawa ka ng paraan para masilo sila. Sila ay hindi nanghihinayang mawalan ng sundalo pero hindi pwedeng mamatay ang pinuno nila. Ito kasi ang tinatalaga dahil hindi pwedeng maging pinuno ang hindi malakas. Maaaring ginawa mo sa kanila ang ginagawa mo sa'min na insultuhin, takutin at maliitin. At dahil may pinanghahawakan silang pride ay hindi ito pwedeng masagi. Alam kong alam mo 'yan. Iba ako sa kanila. Masyado akong kalmadong inaalam ang pwedeng mangyari kaya kahit tapakan mo ang pride ko, wala akong paki. Basta walang masaktan sa mga pulis ko."