Clark's POV
Natatakot na talaga kami. Hindi namin alam ang gagawin. Panay ang text ko kay Steppen dahil wala akong alam. Gusto kong makabalita pero maghintay na lang daw kami. Kamatayan ba ang pwedeng gawin para maitigil ang lahat? "Clark, magkape ka muna." Kalmadong alok ng Mama ni Diana sa'kin.
"Salamat po." Kinuha ko ang dala niyang kape. Miski ang pagtitimpla ng kape ay hindi ko magawa. Naiintindihan ko naman na wala kaming magagawa pero matapos kong makitang umiyak sila ay ngayon, parang ayos na sila. Humigop ako at huminga ng malalim. Kami lang ang tao sa terrace. Nasa loob silang lahat.
"Malamang kung hindi kami nabihag, baka patuloy parin si Diana." Sabi niya sa'kin.
"Hindi na po siguro dahil takot na ang ilan sa kaniya." Sagot ko naman.
"Pero ang kasalanan niya ay hindi na maitatago pa. Ang gusto ko ay magbago siya. Pero hindi siya magbabago kung walang mangyayari. Ito na 'yung hinihingi ko sa Diyos." Tumulo ang luha niya. Naawa ako. Kung may lubos na masasaktan dito pag nawala si Diana ay ang Mama niya. Hindi ako, hindi si Charity at hindi ang iba pa. Madaling sabihin na nasaktan kami pero kung dugo din lang ay ang magulang niya ang talagang masasaktan dahil sa sinapupunan niya nanggaling si Diana. Alam kong makakabangon pa ako at kaming lahat pero ang sakit na mas nauna sa'yong namatay ang Anak mo ay walang kasing sakit.
"Huwag muna kayong mangamba. Wala pang balita." Sabi ko na lang bilang pangpalakas ng loob.
"Wala na akong magagawa pa. Noon ay patay na siya kaya sa ala-ala ko na lamang siya nabubuhay. Nang mabalitaan kong buhay pala siya. Laking tuwa ko. Pero yakap lang ang natanggap ko sa kaniya. Nabalitaan ko ngang may serial killer na gumagala sa ibang lugar na halos araw araw ay may pinapatay. Siya pala ang serial killer na 'yun. Ilang taon na ang lumilipas. Buhay pala siya. Ngayong buhay siya ay parang patay din naman siya. Kaya hiningi ko sa Diyos ang pinakamagandang daan para sa kaniya. Tatanggapin ko na lang kung ang kamatayan niya uli ang magiging daan para mabago ang lahat."
"Miski ako ay hindi ko siya kayang pigilan." Nakakapanghinayang talaga.
"Kung hindi din lang siya magiging Anak sa'kin. Mas gugustuhin ko na lang na manahimik kami." Malakas ang loob niyang sabihin 'yun pero may luha na galing sa mga mata niya. Handa na siya sa posibleng mangyayari. Ang dasal nila na 'Sana ay maging maayos na ang lahat' ay natupad na sa pamamagitan nito.
Ano ba ang magagawa ko kung mamatay si Diana? Maghiganti? Pero dahil naisip ko na ang mangyayari sa hinaharap ay baliwala din kung maghiganti ako. Imbes na maging maayos ay lalo lang gugulo. Baka mapatay pa ako. Wala kaming balita na natanggap sa loob ng apat na araw. Nag-aalala na talaga ako. Lungkot na lungkot na si Charity. Hindi namin sila papabayaan. Alam na ni Sid ang gagawin sa Pamilya ni Diana.
"Akala ko, nang makita ko uli si Ate ay magiging masaya kami." Sabi ni Charity nang magsama-sama kami. "Pero hindi pala." Malungkot siya. Kung may isang hiling ako kung ako ang nasa kalagayan ni Charity ay maging Ate sa'kin si Diana. Bakit ba kasi kay Diana ibinigay ang ganito? Paano siya gagaling sa sakit niya? Baka kung mabuhay man siya ay baka makapatay parin siya. Hindi na yata siya bibigyan ng pagkakataon para magbago dahil sobra na ang ginawa niya.
Tumawag sa'kin si Steppen. "Clark, maghanda ka. May balita na kay Diana." Nabigla ako.
"Ano ang balita Steppen?!"
"Manood kayo mamaya dahil nasa media na ang video."
Binalita ko sa kanila ang lahat kaya nag-abang kami ng balita. Hanggang sa pinalabas na nga ang video. Tahimik kaming nakinig. "May mga pag-uusap kami na hindi napagkasunduan. Gusto namin siyang buhayin pero naninindigan siya sa sinumpaan niya sa sarili niya. Pinugutan na namin siya ng ulo at itinapon sa dagat.." Biglang umiyak sila at nabigla. Miski ako ay hindi makagalaw sa nabalitaan ko. Ano naman kaya ang pag-uusap nila? "May dahilan kami kaya namin 'yun ginawa pero napakahirap kausapin si Diana. Hindi pwedeng hindi namin siya papatayin dahil may isang salita kaming mga terorista. Para sa'min ay walang magagawa ang sino-man basta biktima ng terorismo. Pero hiling niyo na sabihin namin kaya sinabi na namin ang resulta. Hindi namin pwedeng sabihin kung ano ang naging pag-uusap. Basta kailangan namin siya kaya binihag namin ang mga kamag-anak niya. Pero hindi namin siya gustong patayin sana. Siya na ang nag-alok na patayin na namin siya. Wala na kaming magagawa pa dahil kung hindi namin gagawin 'yun ay sa unang pagkakataon ay pumalpak kami. Buhay talaga ang katumbas kung hindi kami susundin sa hiling namin. Wala na akong sasabihin." Matapos naming marinig ang lahat ay nanginig ako sa galit.