Diana's POV
Kaharap ko ang nagpakilalang girlfriend ni Steppen. Hindi naman nakakapagtaka kung may ganito kagandang babae ang nagkagusto kay Detective pero hindi ko ma-imagine na sinasabi niyang 'I love you' sa taong mahal niya. Ang alam ko lang ay wala siyang ibang alam kundi lumutas ng kaso. Nginitian niya ako. "Ano ba ang kailangan mo?" Ako na ang unang nagtanong.
"Mahalaga ang sasabihin ko sa'yo."
"Tungkol saan?"
"Alam nating lahat na dumadaan ka ngayon sa matinding pagsubok."
Pagsubok? Pagsubok ba ang lahat? "Ang pagsubok ay ibinibigay sa tao. Ang nangyari sa'kin ay pagkakataon lang dahil may dahilan."
"Walang taong perpekto kaya hindi pwedeng maging perpekto ang isang tao na kayang gawin ang lahat ng gusto ng Diyos."
"Ano ba talaga ang gusto mong palabasin? Mag aadvice ka ba? Makakatulong ba 'yun? Sisisihin mo ba ako dahil kasalanan ko'ng lahat kung bakit nangyari ito. Ano pa? Magdasal?"
"Kasama 'yung pagdadasal sa sasabihin ko sa'yo. Alam kong hindi ako literal na makakatulong pero makakatulong ako sa spiritual na paraan."
Nadismaya si Dionne. "Naniniwala naman ako sa Diyos. Ikaw ang nagsabi na hindi tayo perpekto. Kaya din siguro ako nagkaganito. Naunahan lang ako pero kung mas nauna ako, hindi na sana mangyayari ito."
"May dahilan ang lahat. Ngayong inamin mong naniniwala ka sa Diyos, dapat alam mong Siya ang may gusto ng paraan na ito."
"Masisisi ba Niya ako? Wala akong dapat pang pagsisihan dahil ginusto ko ito. Hindi naman ako pumapatay ng inosente kaya patas lang. Nakatulong pa nga ako. At kung malalampasan ko ito. Hindi na magbabago ang isip ko. Kung nagpunta ka dito para sabihing magdasal ako. O para sabihing itigil ko na ang kahibangan ko.. dipende sa sitwasyon. Kung ano lang ang magiging pag-uusap namin ng mga dumukot sa Nanay at kapatid ko, 'yun na ang mangyayari. Wala nang iba pang makapagpapabago ng lahat."
"Meron!"
"Kaya bang pakawalan ng dasal ang mga bihag? At palayain ako? Complete package ba ang dasal?"
"Hindi mo ako naiintindihan!"
"Paano kita maiintindihan kung walang magic? Hindi pwedeng ibahin ang isip ng mga terorista. May dahilan sila."
"Ipapaliwanag ko lang..."
"Wala ka nang dapat pang ipaliwanag. Alam kong sasabihin mong ito ang dahilan ng Diyos para itigil ko na ang lahat. Maaaring ganun nga. Kaya alam ko na ang lahat ng dapat gawin. Hindi ko naisip na pwedeng bayaran ang mga terorista para maitigil ang pagpatay ko sa masasama. 'Yun lang ang pagkakamali ko. Wala nang dapat pang sisihin dito--"
"Hindi kita sinisisi Diana! Napatunayan kong maka-Diyos ka parin. Kailangan mo lang gamutin."
"Pumapatay ako."
"Pero ayon sa sinabi mo ay may dahilan ang Diyos para tumigil ka. Doon ka naging tama. Ngayong naniniwala ka sa Kaniya, magtiwala ka at humingi ng tulong."
"Ano pa ang pinunta mo dito? Wala? Para ipamukha sa'kin ang mga kasalanan ko--"
"Oo!" Napatigil ako. Hindi ko akalain na ganun ang magiging sagot niya. "Walang sinuman ang pwedeng sumuway sa batas. May batas tayong sinusunod. Batas para hindi maging magulo."
"Pero walang kwenta ang batas."
"Maaaring naninindigan kang tama ang ginawa mo kaya walang makapigil sa'yo. Pero hindi makatarungan ang pagpatay ng higit sa sampung tao Linggo linggo. Kung ayaw mong pakinggan ang sasabihin ko sa'yo, wala na akong magagawa pa pero ginawa kong kausapin ka para makatulong na din."