Nagkita uli kami pero akala niya mag iinom muna kami hindi pala. Pumayag naman siyang sumama sa akin. Alam kong nagpapakipot siya minsan kahit obvious naman ang pakay namin sa isa't isa. Bakit ba gusto naman niya pero nagpapakipot parin siya? Kung siya ang killer, ano 'yun? Nahihiya din pala ang killer? Kung hindi naman siya ang killer, ay gusto niyang palabasin sa'kin na hindi siya basta basta lang sumasama o gusto niyang maging seryoso kami pareho. Pero sumama parin naman siya. Ang alam niya--mahina ako gaya ng ibang lalake na mas malakas pa siya. Pero ngayon ay no doubt na gusto niya ako. Pumayag siyang sumama sa akin sa motel.
'Yung bag niya--alam kong may baril 'yun kung siya nga ang killer kaya bago magsimula ay kina-usap ko muna siya at inilayo siya sa bag niya. Kung siya ang killer ay wala siyang balak na saktan ako dahil napaka careless niya. Malaki ang tiwala niya sa'kin. Kung siya nga talaga ang killer?
Pagtapos namin ay oras na para matesting kung siya nga talaga ang killer. Kung siya nga ang killer at nalaman niya na pulis ako. Mahuhulaan niya na pinaghihinalaan ko siya. Kung hindi siya ang killer ay ewan kung ano ang magiging reaksyon niya. Pinakita ko ang I.D ko.
_
Clark'sDiana's POV
Sinipa ko agad siya sa mukha.
Nag react siya so siya nga ang killer.
Hindi ko pinatama ang sipa ko dahil nagbago ako ng isip.
Clark: Bakit hindi mo tinuloy?
Diana: Bakit hindi ka umilag?
Clark: Bakit mo ako sinipa?
Pulis siya!! Baka pinag hihinalaan niya ako kaya kailangang maka-alis na. Hindi ko siya pwedeng patayin.
Nakatingin ako sa bag niya. Malayo kaya hindi niya ako mapapatay.
Pero kung alam na niya na ako ang killer, malamang matagal na niya akong hinuli. Kalma lang Diana.
Nagkatitigan lang muna kami. Mukhang siya nga ang killer dahil nabigla siya. Nakakatakot.
Diana: Aalis na ako.
Clark: Bakit?
Oo nga pala. Ano ang dahilan ko?
Clark: Bakit mo ako sinipa?
Diana: Nabigla lang ako.
Clark: May kasalanan ka ba sa batas?
Diana: Galit lang ako sa mga pulis.
Clark: Bakit?
Diana: Basta!
Clark: Walang explanation?
Naku kailangang makaisip ng dahilan.
Kung siya nga ang killer, matalino siya. Alam niya man na pinag hihinalaan ko siya, alam din niya na hinala lang 'yun.
Diana: Dahil mayayabang kayo!!
Clark: Ganun lang?
Sipain ko kaya 'to? Ang kulit. Pero kalma lang para hindi niya mahalata. Baka nga wala siyang alam mahirap na umamin. Hindi ko akalain na magkakaroon sila ng ganitong patibong.
'Yung bag niya. Kailangan kong makuha. Kinuha ko ang bag niya.
Ang bag ko?
Clark: May baril ka?
Diana: Self defense lang 'yan. Akin na nga.
Clark: Halatang active 'tong baril mo ah.