Clark's POV
Mas gusto kong kumain dito sa mansyon. Iba parin ang feeling pag sa bahay. Pumasok ako sa loob. Nakita kong kumakain sila ng ice cream. "Ang aga naman niyan." Tanong ko.
Nakangiti sila sa'kin. Mababait sila. Hindi sila nilamon ng kayamanan na binigay sa kanila. Kasama pa nila ang kasambahay na tinuring nilang kamag-anak na. Nilapag ko ang baril ko sa upuan at naghubad ng sapatos. Feel at home talaga ako dito. Anak na yata ang turing sa'kin ng Mama ni Charity dahil isa ako sa pinapakain niya. Maaga pa naman kaya iidlip muna ako. Sa sahig naman sila nakaupo kaya dito ako sa mahabang sofa. "Kuya Clark." Dinilat ko ang isang mata ko. Umupo si Charity sa upuan kahit nakahiga ako. Itong babaeng 'to. Kuya na talaga niya ako. "Ikuha mo naman kami ng tubig sa kusina." Kuya na nga niya ako. Ang bigat ng katawan ko dahil nakahiga na ako.
"Ikaw na. Ang lapit lapit eh."
"Kasi may nagmumulto sa'min." Napaisip ako. Si Diana ba 'yun? Patay na nga talaga siya kung ganun.
"Sino?"
"Feeling ko si Ate 'yun."
"Kung Ate mo 'yun, huwag kang matakot." Pero kinabahan ako. Umaasa kasi ako na buhay pa siya.
"Sige na Kuya." Bukod kasi sa hindi siya nagpaparamdam kahit hindi ako naniniwala sa multo.. hindi namin nakita ang bangkay niya.
Sa totoo lang hindi ako naniniwala na pwede pang magpakita ang isang tao kung patay na siya. Baka naman hindi si Diana 'yun? Tumayo ako. Kung totoo nga na pwedeng magpkita ang kaluluwa. Sana magpakita sa'kin si Diana. Oo duwag ako sa multo kahit hindi ako naniniwala pero siguro kung si Diana siya.. mas maigi na. Pero wala naman akong third eye na karaniwang sinasabi ng mga tao na meron sila dahil nakakakita sila ng kaluluwa. Nagpunta ako sa kusina. Binuksan ko ang ref. Pero nang kunin ko ang tubig ay may sumulpot sa tabi ko galing sa ilalim ng lamesa. "Clark, gusto mo?" Si Diana na may dalang baso. Inaalok niya ako ng ice cream!!
Nagmadali akong umalis sa kusina. Ang lakas ng kaba ko. Hindi ko alam kung nahalata nila ako na medyo tulala. Sobrang lakas ng kaba ko. Ngayon lang nangyari sa'kin 'to na may kaluluwa na nagpakita. "Kuya Clark, salamat." Nakatingin sila sa'kin. Hindi ako makapag-salita. Ang pinakapumasok sa isip ko ay totoong patay na nga si Diana dahil nagpakita siya sa'kin. Nakaupo lang ako. "Kuya Clark bakit?" Tanong ni Charity. Napatingin lang ako sa mukha niya. Hindi ako nagsasalita. Kung sabihin ko kayang nakita ko si Diana sa kusina.. maniniwala kaya siya kahit sinabi na nila na may multo? Kaya siguro walang nakatira sa mansyon na ito before. Ayaw nila kasi may multo. Nagpalamig lang at nagpakita ngayon. nagbago na ang isip ko. Ayoko nang matulog dito mamayang gabi. Baka umatake na nga sila kahit hindi ako naniniwala sa kanila. Teka. Naniniwala na ako dahil kay Diana.
"Ah wala 'to." Saglit din akong nablangko sa pagkakatingin kay Charity at iniwas ko din naman tumingin sa kaniya.
"Sino 'yung multo na nakita mo dun?" Tinuro ni Charity ang kusina.
"Multo?"
"Oo."
Bakit alam niya? Tumayo ako at bumalik sa kusina. Nakita ko si Diana na nakaupo sa lamesa at kumakain ng ice cream gamit ang kutsara. At oo nga pala. Walang gumugupit ng buhok sa langit. "DIANA!" Hinawakan ko siya sa balikat. Totoo nga. Hindi siya kaluluwa. Nakangiti lang siya. "Diana!" Niyakap ko siya. Mahigpit na mahigpit habang nakaupo siya at nasa likuran ako. "Diana buhay ka."
"Teka muna Clark.." Tumayo siya. "Huwag ka munang yayakap."
Hinawakan ko ang balikat niya. "Ikaw nga, Diana." Tumingin ako sa buong katawan niya. "I can't believe."
"Oo ako nga, Clark. Pero saka mo na ako hawakan. Linawin muna natin ang lahat."
Naririnig ko siya. Umasa ako na buhay siya at ngayong nangyari na ang inaasahan ko.. hindi parin ako makapaniwala. "Diana." Niyakap ko na naman siya. Pumipiglas siya.