Steppen's POV
Naiinis na ako. Gusto kong ibalik ang tahimik na pamumuhay pero mula nang lumabas si Diana, siya na mismo ang gumagawa ng batas ayon sa gusto niyang mangyari. But I can't stop whatever things she made. Ginagawa na nga namin ang lahat para maging payapa ang paligid pero pinapangunahan niya kami. Gumagawa na kami ng paraan pero bigla siyang lumitaw. Imbes na maging diretso ang tingin ko sa problema sa droga, nahahati pa tuloy ang oras ko dahil sa kaniya. Kahit ako, hindi ko alam kung paano ititigil ito dahil masyado siyang malakas at mabilis. Kahit iutos pa na patayin siya, hindi din namin kaya. At kung magawa man, maraming magagalit sa mga pulis kaya kailangang mahuli siya na tipong hindi makakatakas dahil mas maraming tao ang gusto ang ginagawa niya. Mag-mumukha kaming masama kung ang pumapatay sa masama ay pinatay namin. Napakahirap.
Andito ako ngayon sa opisina kasama ang ibang mga pulis para pakinggan ang mensahe ni Diana. Hinihintay namin na ipalabas.
"Ano kaya ang sasabihin niya?" Tanong ng kasama kong pulis. Pinapanood pa namin ang iba pang kaganapan sa Tv. Mapagloko ang tadhana o sinasadya ng mga balita na ibalita ang mga patayan?
May namatay na naman na babae at hindi pa kilala kung sino ang suspect. Kami na ang dapat na lulutas. Baka si Diana na naman ang humanap at pumatay sa nakilalang suspect. Alam kasi ni Diana na kapag ako ang nagsabi ay siguradong totoo. Parang gingamit pa ako ni Diana pero hindi pwedeng ilihim ang lahat.
"Detective Steppen, hayaan na lang natin si Diana." Sabi ng kasama kong kapitan ng pulis. Tumingin ako sa kaniya. "Ang tanging sisi lang sa'tin ay mabagal tayo pero hindi tayo sira sa madla. Kaysa problemahin natin 'yang si Diana na 'yan, hulihin na lang natin 'yung hindi abot ng mga kamay niya."
"Matagal ko nang nasa isip 'yan pero trabaho natin ang hulihin ang may sala." Sagot ko.
"Pero kung hindi natin kaya--"
"Hindi pwedeng umasa sa 'pero' dahil kailangan kong gawin ang lahat!"
Umiling siya. Kilala niya ako kaya parang alam na niya ang takbo ng isip ko. Maraming kakampi si Diana kaya maraming posibleng magturo sa kaniya kung saan siya pupunta. Sira ang mga pulis dahil kung kami na ang kukuha ng impormasyon, natatakot na ang mapapagtanungan namin dahil alam ng lahat na hindi namin papatayin ang suspect kaya makakakilos pa ito para paghigantihan ang nagturo. Napakahirap talaga. Halang ang bituka ni Diana. Wala na kaming magagawa.
"Narito ang mensahe ni Diana." Sabi ng reporter sa Tv. Sa wakas.
Nagsimula nang magsalita si Diana. Pinakinggan namin. "Magandang gabi sa inyo kahit hapon kong sinasabi sa inyo ito. At magandang umaga naman sa mga makakanood nito sa umaga..." Doon pa lang, halatang aware na siya dahil alam niya ang oras ng palabas at ang replay ng mga balita. "Nais ko lang ipaalam ang ilang kondisyon ko sa mga tao para maging maayos ang lahat. Alam kong maraming tutol sa ginagawa ko kaya pwede niyo akong murahin on national Tv o kahit saan pa, Twitter o Facebook o other social network sites. Pero usapan lang na kung makilala ko kayo at may kamag-anak kayong ginawan ng masama, 'wag naman sana' hindi kayo kabilang sa mabibigyan ng hustisya dahil tutol kayo. At bawat tao na makapagbigay ng tip kung saan ang may bentahan ng droga ay mabibigyan ng pabuya..." Seryoso akong nakikinig. Masyado siyang mautak. "At kung may kamag-anak man kayong bumibili ng droga ay ikadena niyo na dahil oras na masama sila sa operasyon ko, madadamay sila sa mga bala na lalabas sa baril ko kung andoon sila mismo sa tindahan ng droga. At ang mga nanonood ngayon na tulak, ay magtago na. Huwag na huwag kayong susuko sa pulis kung natatakot kayo dahil kahit sa kulungan ay hahabulin ko kayo at tatanggalan ng daliri at mata. Lalo lang kayong mapapahamak." Nagngitngit ako sa galit. Nakakainsulto naman siya. "Ang mga lulong sa droga ay hindi mapipigilan dahil ang tama ng droga ay hindi kayang pigilan. Kaya ngayon pa lang kung mahal niyo ang buhay niyo, tumigil na kayo. Ang gumagamit ng droga pero walang ginagawang krimen ay makakaligtas pero kung ikaw ang tulak ng shabu, wala kang ligtas." Gaya nga ng ginawa niya noon. Siya na mismo ang nagpapain sa sarili niya para gawan siya ng krimen ng taong lulong sa droga saka niya papatayin. Nag-iba na siya ng istilo. Lalong naging harsh mula nang makilala siya kaya kailangan namin siyang unahan sa operasyon dahil kung mas mauuna siya, mapapatay niya ang mga taong dapat ikulong. "Steppen!" Sabi ko na nga ba, may sasabihin din siya sa'kin eh. Ano na naman kaya 'yan? "Huwag na kayong umasa na mahuhuli niyo ako dahil hindi ako magpapahuli. Patayin niyo na lang ako dahil makakalaya din ako kahit saan niyo pa ako ikulong. Malalagay pa sa alanganin ang ilang kapulisan dahil papatay ako ng pulis para lang makalaya ako't hindi ako mahuli. Kawawa naman kayo. Mas pipiliin ko 'yun kaysa walang magtanggol sa mga kababaihan. Hangga't buhay ako, gagawin ko ang gusto ko. At kailangang may makipagtulungan sa'kin. Sa isang lugar imposibleng walang droga maliban sa mapayapang lugar ng Isarael City dito sa Pilipinas na alam kong hindi pinapasok ng droga kaya mapayapa sa lugar na iyon. Oras na pumunta ako sa isang lugar, asahan niyo na may mamamatay."