Clark's POV
Nakatingin silang lahat sa'kin dahil sa ginawa ko.
"Hindi. Baka kaboses lang niya.. Number niya kasi 'yung lumabas eh. Baka may nakapulot ng phone niya?" Pagtataka ko.
"Huh? Nawala ba phone ni Ate?" Tanong sa'kin ni Charity. Nagkatitigan kami.
"Malamang. Hindi ko nakuha eh."
"Bakit hindi mo nakuha?"
"Hindi ko na kinapa 'yung bulsa niya."
"Paano mo siya matatawagan kung kukunin mo pala 'yung phone niya? Paano mo nasabi na nawala 'yung phone ni Ate?"
Haaaaay! Pinulot ko 'yung phone ko at binuksan uli.
Tumatawag na naman si Diana.
"Hello?" Sagot ko at kinakabahan ako.
"Hello Clark!" Sagot niya. Sa sobrang kaba ko ay binigay ko kay Charity 'yung phone.
Nagtatakang kinuha ni Charity.
"Hello Ate!!" Ano kaya ang sagot nun? "Nasaan ka?" What? Sino kaya 'yung babae? "Sabi niya kaboses mo daw 'yan." Si Diana talaga? "Ewan sa kaniya."
Gulat na gulat ako sa sinasabi ni Charity at tuwang tuwa si Charity. Umiiyak dahil nakausap niya 'yung babae na kaboses ni Diana.
KABOSES NI DIANA?!
Dumiretso ako sa kusina at naghilamos. Natulala lang ako saglit. Bigla akong napasigaw.
"Aaaaaaaaaaaah!"
Panaginip lang ang lahat!! Buti na lang. Diyos ko akala ko patay na si Diana.
"Mr. Clark. Ano nangyayari sa'yo?" Tanong ng Mama ni Charity.
"Wala po!" Inagaw ko ang phone kay Charity. "Hello Diana?!"
"Clark! Nakatakas na ako kay Steppen."
"Diana magkita tayo."
"Huwag muna."
"Baka may patibong sila."
"Paano ka? Saan ka natulog?"
"Basta. Sasabihin ko sa'yo mamaya. Huwag kang aalis diyan."
"Bakit?"
"May sumusunod sa'kin eh. Tinakasan ko lang."
-
Diana's POV
"Sino naman yun?" Tanong niya.
"Ewan! Maraming nagtatangka sa reward. Pero huwag mo na akong isipin muna. Ang mahalaga nasabi ko sa'yo na 'wag kang aalis diyan. Delikado. Kagabi pa ako tumatawag sa'yo."
"Sige."
Ibinaba ko na.
Matapos akong patakasin ni Steppen ay sinabihan niya ako.
"Lumaban ka ng patas. Patas kitang nilabanan dahil ayokong may masaktan pa. Alam kong mabuting tao ka kaya kita pinatakas."
"Sorry pero handa akong pumatay. Ayokong mahuli alam mo 'yan. Lalo pa't wala pa kayong katibayan na ako nga ang killer."
"Kung sakaling may pag asa na mahuli ka. Magtiwala ka lang sakin. Ako ang bahala sa'yo. Hindi ka mahuhuli ng tunay mong kalaban. Sigurado akong ikaw ang killer kaya oras ma madakip kita--sure na ang ebidensya na manggagaling mismo sa'yo."
"Alam ko ang tungkol diyan. Pero sana alam mo ang plano para mahuli ako. Dahil kung pumalya ka sa plano. Papatay ako ng tao. Ang tunay na killer hindi pumapatay ng inusente. Tandaan mo 'yan."