Diana's POV
Hindi ko man mabantayan ang ibang lugar. I rapidly do what the purpose of mine. Kaya dahil hindi nila mahulaan kung saan ako pupunta, masasabi kong malaki ang pinagbago ng Pilipinas. Bali-balita pa na sobrang mahal na ng shabu ngayon dahil wala na silang lugar. Mga mayayaman na lang yata ang nakakabili dahil kahit ako ay alam kong may kumikilos parin na tulak ng pa-isa-isa ng palihim. Pero wala na akong pakialam doon. Basta gusto kong mawala ang shabu sa Pilipinas.
Nagpatawag ng press confernce ang bagong halal na Presidente. Pinapanood ko sa Tv. Isa sa narinig ko ang kakatuwang sinabi niya. "Ang mga nakahuli ng kilo kilong shabu. Nasaan na ang shabu? Oras na malaman kong pinagkakitaan ng mga pulis 'yan, ipapabaril ko kayo kay Diana!"
Ang Presidenteng ito ay mas may respeto sa mga gumagawa ng may dahilan na mabuti. Kung ikaw ay puro dada lang tapos hindi mo naman layunin ang makagawa ng maganda sa mata ng tao, mumurahin ka pa niya kahit mataas ang pinag-aralan mo. Kaya siya nanalo ay dahil sa naglabasan na katiwalian sa Pilipinas at siguro dahil na din sa'kin. Sikat ako sa mahihirap. Hindi man respetuhin ng simbahan, alam kong respetado ako ng Presidente. Walang makakapigil sa'kin kung mahina ka. Pero ang isa sa gumimbal sa'kin ay ang reporter na namatay.
"Nag-iwan ng mensahe ang killer matapos niyang patayin ang kasamahan kong reporter." Sabi ng nagreport.
Kayo ang isa sa dahilan kung bakit may pinapatay. Kaya oras na may mamatay ng dahil sa inyo. Uubusin ko kayo!
Hindi kaya ako ang dahilan nito? Kumukuha ako ng impormasyon sa mga balita sa Tv kaya nakakapunta ako sa lugar na puro tulak at inaalam ko ang lugar kung saan nakakulong ang mga nahuli kaya kinukuha ko sila. Sino kaya siya? Kailangan ko siyang mahuli. Hindi pwedeng patayin niya ang mga inosente? Hindi siya pwedeng pumatay ng inosente. Ako ang magiging dahilan ng lahat. Hinanap ko si Clark. Nakita ko siya sa garden. "Clark, may napatay na reporter." Nag-usap kami saglit at nag-isip siya.
"Hindi pa natin pwedeng husgahan ang nangyari dahil isa pa lang naman ang pinatay." Sabi niya.
Tinawagan ko ang kakilala kong reporter. "Kailangan niyong mag-ingat. Huwag muna kayong magbalita ng dawit ang droga. Ako muna ang bahala na kumilos."
Hindi ako matahimik dahil professional ako. Alam ko ang kilos ng isang professional. Hindi 'yan kikilos basta basta lang. Iisang kategorya at madalas magbanta ng kamatayan at oras na hindi masunod ang gusto ay tinototoo niya ang gusto niya. Baka nga isa siyang professional kaya kahit hindi pa pwedeng seryosohin ang unang mensahe niya--kailangang manigurado. Wala na akong mabalitaan tungkol sa droga dahil halos linis na sa buong Pilipinas ang lugar ng mga tulak. Mga lihim na lang siguro kaya medyo lie low ako. Ilang araw nang nasasayang ang pagod ko dahil wala nang makapagturo. Takot nang gumawa ng pwesto ang mga bago. May nabalitaan na naman kaming pinatay na reporter. Nag iwan na naman ng mensahe.
Papatay pa ako ng isa pa. Kaya maghintay lang kayo. Kung pagpatay ang solusyon para maging maayos ang Pilipinas. Pagpatay din ang solusyon para ibalik ito sa dati.
Sino kaya siya? Walang makita ang mga pulis. Paano kung kapareho ko siya? Siguradong mahirap siyang mahuli. Hindi pwedeng nakatayo lang ako. Tinawagan ko uli ang kakilala kong reporter para humanap ng ebidensya. "Hindi siya katulad namin. Ang dalawang napatay na reporter ay sila 'yung mga ginagamit lang. Mga may problema sila sa sahod. Hindi pa sila nakikilala sa Tv but still they are reporters. Sila 'yung bihirang magpakita sa Tv. Pero nagagamit sila sa lugar na hindi abot ng team namin. Malaki ang pakinabang sa kanila. Doon kami nagsimula kaya alam ko 'yun."
Tama nga ang hinala ko. Ang mga reporter na pinagkukuhanan ng source ang target niya. Kung mawawala ang maliliit na reporter, mawawala ang malaking bahagi ng balita sa Tv. Kailangan kong marinig ang panig ni Detective. Kaya inabangan ko ang interview sa kaniya. Hanggang sa dumating ang oras para ipalabas na ito. "Isa lang ang nakikita kong dahilan dito, masyadong lumiit ang mundo ng mga pusher. Gumawa sila ng paraan para matigil ang pagpatay sa kanila. At ang mga taong malaki ang pera na nakukuha sa droga, isa din sa dahilan dito. Kaya kumuha sila ng bayaran na tao para patayin ang Psycho. Mahihirapan sila kaya kailangan nilang idaan ito sa dahas. Hindi kasi kayang patayin ng isang ordinaryong tao si Diana. Hayaan niyo, kami ang lututas nito."