28. Eternal

389 25 4
                                    

1 year later

Charity's POV

"Mama!" Tawag ko. Hinanap ko si Mama. Nagpunta ako sa kusina. Nakita kong naggagayat sila. Magluluto sila ngayon dahil dadating si Kuya Sid kaya makakasama ko na naman si Precious mamaya.

Tumingin sila sa'kin. "Bakit na naman?" Tanong ni Mama habang tuloy parin sa paghahati ng gulay.

"Mamaya na lang." Bumalik ako sa kwarto ko. Napaginipan ko na naman si Ate Clariss. Ganito din ang nangyari noon. Isang taon na ang lumipas pero parang totoo ang panaginip ko. Ganun din 'yung nangyari noon. Buhay si Ate Clariss. Pero parang imposible na ngayon. Kung totoong buhay si Ate Clariss, nasaan na kaya siya? Noon kasi ay may dahilan kung bakit hindi siya nagpapakita. Ngayon, mukhang malayo sa katotohanan na buhay siya. Ilang buwan din akong umasa na buhay siya pero natanggap ko na din na hindi na siya babalik. Nakita kasi namin na itinapon siya sa dagat.

Pero nagpakita siya sa panaginip ko sa pangalawang pagkakataon na alam naming patay na siya. Nakakalito tuloy. Ano kaya ang magiging reaksyon nila? Kung si Kuya Clark kaya ang tanungin ko? Busy siya sa trabaho. Bihira na siya magpunta dito. Pero mas interesado ako sa sasabihin ni Kuya Steppen. Kung si Mama naman, baka umiyak lang siya dahil aasa na naman kami na buhay si Ate Clariss na imposible na. Noon ay hindi siya naniwala pero ngayon.. hindi ko alam. "Charity, bakit ba parang balisa ka kanina?" Rinig ko ang boses ni Mama nang pumasok siya sa kwarto ko.

"Wala, Ma." Nagbago na ang isip ko. Hindi ko na sasabihin kay Mama. Baka kung ano ano na naman ang pumasok sa isip niya.

"Bakit nga?"

"Wala, akala ko lang wala ka." Nag-isip na lang ako ng dahilan dahil alam kong alam niya na may gusto akong sabihin.

"Kumain ka na." Hinalikan niya ako sa noo at lumabas ng kwarto.

Dumating ang hating gabi. Dumating na si Kuya Sid kasama ang asawa niya. "Charity." Tinawag ako ni Precious bilang pagbati niya.

Ngumiti ako. Iba ang mood ko ngayon. Nagkaroon kasi ako ng pag-asa. Kung sana ay nakita ko ang bangkay ni Ate na nakaburol, matatahimik ako. Pero dahil lang na itinapon ito sa dagat at napanaginipan ko siya ay baka may chance na bubay nga siya. Lihim lang ito para kung sakali ay walang sisisihin. Baka buhay pa siya at lumangoy. "Kamusta na kayo ng boyfriend mo?" Tanong ko kay Precious.

"Okay lang." Umupo kami. "Kailangan pa bang itanong 'yun?"

"Hindi mo kasi siya kasama."

"Nahihiya ako kay, Kuya. Hindi ko talaga siya sinasama kung may ganitong lakad kami. Saka na pag kaya na namin tumayo mag-isa."

Nag-iba ang social life ko. Palibhasa ay may sariling trabaho ako sa company ni Kuya Sid at may suporta pa kami galing sa kaniya. Lahat nagagawa ko. Bukod sa sahod ko ay may kotse, damit at mga ari-arian pa nila ang nagagamit namin like resort na sinasama ko ang kabarkada ko. Ibang iba na talaga ako ngayon. At itong si Precious ay hindi nakikisama sa mga awkward na tao. Awkward sa kaniya 'yung walang kotse at pera. Pero mabait naman siya. Kaya nakisama na lang ako. Natapos ang gabi ay hindi pa ako dinalaw ng antok. Ilang araw pa ang lumipas ay limot ko na ang nangyari. Nakarecover na din ako kahit papaano. Nagkita kami ni Kuya Clark. Binati niya ako nang dumalaw siya sa mansyon. "Baka maging madalas ako dito sa tanghali ngayon."

"Ah okay Kuya. Bakit naman kasi pwede ka naman umuwi dito, nagsosolo ka pa?"

"Medyo komplikado."

Umupo kami sa terrace. Wala akong lakad ngayon at kakagaling ko lang sa work. Nakatambay lang ako. Basa-basa libro sana pero dumating si Kuya Clark kaya kakausapin ko muna. Mula nang mawala kasi si Ate Clariss, parang naging kapamilya na namin siya. Parang siya ang pumalit kay Ate. Miski si Mama, gusto siyang nakikita lagi. "Bakit Kuya, nahihiya kang mag-uwi ng babae?" Tumawa ako habang kinakalikot ko ang phone ko.

PSYCHOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon