Diana's POV
Nabalitaan kong sumuko si Falcon na matagal nang wanted. Kaya inaabangan ko ang detalye sa Tv. Hindi nila pwedeng ilihim sa'kin kung saan nila ito ikukulong dahil susuyurin ko talaga ang buong Pilipinas para diyan. Nakataas pa ang paa ko. Nasa isang hotel ako ngayon kasama si Clark. Nasa Israel City kami dahil naimbitahan kami ng Mayor dito. Nabalita na sa Tv na kasama ko si Clark kaya alam kong magiging wanted na siya. Harapang sinabi sa Tv na suportado ako ng Mayor dito. Ewan lang kung katanggap tanggap sa mga tao ang naging pasya niya. Teka, hindi ko namalayan na wala pala si Clark ngayon. Nasaan na kaya siya? Tinawagan ko siya. "Hello Clark. Where are you?!"
"Nasa ibaba lang. I'm going there soon just wait me."
Alam ko naman na kaya niyang takasan ang mga pulis pero bakit kaya parang hindi siya takot ngayon? Paano kung may makakita sa kaniya? "Okay, ano ba ang ginagawa mo diyan?"
"May kausap lang." Binaba na niya at maya maya lang ay bumalik na siya room namin. "Andito din pala 'yung commander namin sa Santiago City." Bungad niya na parang sinasabing kausap niya kanina ang commander nila. Medyo napakunot ang noo ko. "Walang utos ang General sa'kin. I'm a member of a swat team na hindi nawawalan ng trabaho. Pero sa ngayon, wala pang utos na hulihin ako kahit nalaman nilang kasama kita. At lalong walang utos bago nila malaman na nandito tayo. Pinaka nakakapagtaka, kung hindi ako wanted, dapat may utos na sa'kin ang nakatataas kung saan ako iaasign."
Napangiti ako. "Walang problema, ayaw mo nun?"
"Hindi sa ganun."
"Magmall na lang muna tayo. Maybe payag silang makasama mo ako."
Parang si Steppen na lang yata ang kaaway ko ngayon. Mukhang iaasa na sa'kin ng Gobyerno ang lahat para maubos ang gusto nilang maubos na hindi nila maubos dahil hindi nila kaya. Gusto ko 'yan. Nakashades ako habang suot ang sexy ko na dress. Nakakapit ako sa braso ni Clark. Kung gusto nila akong hulihin at matalino sila. Dapat dito nila ako inaabangan dahil nabalita sa Tv na andito ako sa lugar na ito. Pero napadaan kami sa jewellry store. "Gusto mo ba 'yan?" Tanong ni Clark ng makita ko ng isang napakagandang singsing. Nasa Second floor kami ng biglang may naramdaman akong bala na paparating. Nagulat ako kaya napaupo ako at napansin ko si Clark na sumigaw ng "Dapa!"
Saka namin napansin na may balang lumusot sa pader na tinigilan namin. Nagsigawan ang ilan at nagpanic dahil sa sigaw ni Clark at mabilis naming narinig ang bala ng tumama sa pader. Mabilis kong nahulaan na isa itong bala na galing sa Sniper at ang bala nito ay tumatagos sa pader. "Clark! Paki check kung may tinamaan sa kabila!!" Sabi ko at tinumbok ko ang pinanggalingan ng bala. Habang tumatakbo ako ay napansin ko ang isang building sa 'di kalayuan. Alam kong tatakas na ang bumaril kaya binasag ko ang salamin gamit ang mismong katawan ko para makalabas agad ako ng mall. Nabigla ang mga tao sa ginawa ko. Hindi ko alam kung nakilala nila ako. Bumagsak ako sa lupa at tinuloy ang pagtakbo. Mauunahan ko siya kung gagamit pa siya ng hagdan. Hanggang sa nakarating ako sa building na pinanggalingan ng bala. Pumanhik ako sa taas ng sa unang palapag pa lang ay nakita ko na ang lalaki na tumatakbo pababa. Nagulat siya ng makita ako. "Taas ang kamay!" Sigaw ko. Napansin kong nakabonet siya at may dalang rifle. Siya na nga ang bumaril sa'kin. "Akala mo matatakasan mo ako ah." Nginitian ko pa ang takot na takot na lalaki na nasa harapan ko.
"Diana, napag-utusan lang ako." Inaasahan ko nang sasabihin niya 'yan. Bitbit pa niya pati ang pangset-up sa rifle na ginamit niya. Masyado niya akong minaliit. Sinipa ko siya sa tagiliran para kahit hawak ko na siya ay lalo siyang manghina. Bumagsak siya sa sahig. Tinutukan ko ng baril at tinawagan ko si Clark.
"Kamusta diyan, Clark?"
"Naabutan mo ba?" Tanong niya agad. Iba talaga pag katulad ko ang kasama ko. I'm very thankful na nakilala ko si Clark dahil alam na niya na plano kong habulin ang Sniper sa ganitong sitwasyon.