23. Weakened Diana

460 25 4
                                    

Binilang ni Diana ang sigundo. Alam niyang sa mga oras na ito ay kung hindi niya tinamaan ay nakatakas na ang kalaban niyang Sniper kaya lumabas na siya ng restaurant. Sinalubong siya ng isang kotse na kilala niya. Narinig na kasi niya ang pagdating ng mga pulis. Sumakay siya sa kotse. Tinawagan niya agad si Sid. "Hello Sid, tapos na ang laban."

"Ano ang nangyari?"

"Hindi ko alam. Kailangan ko nang makauwi. Palpak ako, hindi ko siya napatay. Pag-usapan natin mamaya."

"Oh my god. Buti hindi ka napahamak."

"Magtiwala ka lang. Hindi kasi pwedeng umupo lang ako. Nanganganib ang Pamilya ko kaya may hiling ako sa'yo."

"What?"

"Ilalabas ko sila ng bansa. Sana matulungan mo ako."

"No problem. Ano ang plano mo? Kinakabahan ako sa'yo, Diana."

"Hindi na yata pwede 'yung ganito. Hindi lang yata siya nag-iisa. Masyado siyang mahusay kumpara sa iniisip ko."

Matapos silang mag-usap ay nakarating na ang balita kay Steppen kaya nagpunta sila sa pinanggalingan ng pangyayari. Napansin nila ang isang restaurant na basag ang salamin ng pintuan at bintana.

"Nasa kabilang building ang kalaban nito. Pareho silang Sniper. Tignan niyo ang kabilang building." Utos ni Steppen.

Maya maya lang ay may tumawag sa kaniyang tauhan niya. "Detective, may nakita kaming patay dito na positibong isang Sniper."

Dali daling pinuntahan ni Steppen ang building. Tinignan niya kung sino ang taong namatay. Nagulat siya dahil isa itong sundalo. Narinig nila sa paligid na si Diana ang nakainkwentro ng taong ito. Tinignan ni Steppen ang paligid. Pinag-aralan niyang maigi ang naging laban ng dalawa. Umakyat sila sa roof top. Nakita niya ang tatlong butas sa posibleng pinagtaguan ng Sniper. Saka niya hinalughog ang bawat hagdan. Nakakita siya sa pader na may tatlong butas.

"Ang hindi ko alam ay kung paano niya napatay ang lalaking ito?" Sabi ni Steppen. Napansin niya kasing walang butas ang hagdan pinakahuling palapag. Tanging dalawang palapag lang ang meron dahil sa wala nang hagdan sa unang palapag. Nadatnan nila ang patay sa ikalawang palapag. Alam ni Steppen na doon tinamaan ang Sniper pero hindi niya mahulaan kung paano. May alam din siya pero hindi niya sigurado. Sa pagkakakilala niya kay Diana ay halos pareho sila ng isip. Bumalik siya sa restaurant matapos kunin ang bangkay at nagdatingan ang reporters.

-

"Diana, nasaktan ka ba?" Tanong ni Clark nang makauwi si Diana. Nabalitaan na niyang napalaban ito. "Salamat sa Diyos dahil hindi ka napahamak."

Tumingin sa kaniya si Diana. "Hindi Diyos ang nagligtas sa'kin. Tanging sarili ko lang. Hindi ako ililigtas ng Diyos dahil galit Siya sa'kin."

Naglakad si Diana papasok. Sinundan siya ni Clark. "No matter what happened. I'm glad. Pinagdasal kita."

"Hindi mo dapat ginawa 'yan. Ialay mo ang dasal sa mga kababaihan."

"Diana!"

"May lakad tayo. Dadalhin natin si Mama at ang kapatid ko dito pansamantala."

"Hindi ba mapanganib 'yun? Baka may makaalam na andito ka. Makikilala nila kung sino ang Pamilya mo."

"Mas hindi ako kampante kapag hindi ko sila kasama. Dadalhin sila ni Sid sa ibang bansa."

Ilang oras ang lumipas. Sa gabi nila planong bumyahe matapos makausap ni Diana ang kapatid niya. Nanood sila ng balita. Inaasahan na ni Diana na mababalita siya pero kinagulat niya ang nakita at narinig niya. "Isang nakilalang sundalo ang nakainkwentro ni Diana.." Sabi ng reporter na ipinagtaka niya.

PSYCHOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon