Diana's POV
Kailangan ba akong matakot? Not really. Alam ko ang kayang gawin ng iba. Alam kong kahit gaano ka pa kasama o kamukhang pera, ilalagay mo lang ang buhay mo sa panganib kung huhulihin mo ako. Nagsasaya lang kami ngayon. Kanina medyo hindi maayos ang lagay ni Clark pero ngayon, nakikipagtawanan na siya sa mag-asawa. Medyo nakainom na kasi. Kung kaya niyang magtago sa batas, wala na akong magiging problema. I'll do my mission with passion. Dati, parang hindi ako masaya dahil sa tuwing uuwi ako, wala akong kasama. But now, may Clark na sasalubong sa'kin. Hindi siya mamamatay tao pero mahal niya ako. Matapos ang ilang sandali't seremonya ay oras na para magpahinga. Ito na ang oras na hinihintay ko. Makasama si Clark buong magdamag. Ilang araw na din naman na hindi ko siya kasama. "Sid, salamat sa lahat kahit hindi na kailangang sabihin pa." Mapungay na ang mata ko. Nakakapit ako sa waist ni Clark.
"I know you'll say it but no need to mention. Pwede na kayong magpahinga." Ngumiti si Sid. "Ipapahatid ko na kayo."
Tumawag ng tao si Sid at sinamahan na kami sa kotse. "Madam, naging masaya ba kayo?" Tanong ni Reni, ang driver namin na nagbukas ng pinto.
"Of course." Sagot ni Clark. Hindi siya mukhang lasing pero dahil sa kilala ko siya, alam ko sa tono ng boses niya na nakainom siya. Ngumiti lang si Reni. Umandar na ang kotse. "Saan ba tayo tutuloy?" Tanong ni Clark.
"May kwarto akong tutuluyan sa isang mansyon na pag-aari ni Mr. Almasan. Ang mga kasambahay lang ang nagsisilbing caretaker. Kaya doon ako pinatira."
Nakarating kami sa mansyon. Parang ako ang may ari. Sinalubong ako ng mga kasambahay. Hanggang makapasok kami sa isang kwarto. Binuksan ko ang ilaw. Hinalikan agad ako ni Clark at binagsak sa kama. Kaya ko siyang iwasan pero minabuti kong maging isang normal na babae kahit gusto ko munang magbihis at maligo. Tinukod niya ang dalawang kamay niya para hindi ako makabangon. "Dito na din ba ako titira?" Tanong niya.
"As you want. Medyo liblib 'to. Alam mo na ang gagawin. Hindi pwedeng malaman ng iba na taga dito ka."
Hinalikan niya ako. Gusto kong kumawala dahil gusto kong maligo muna. Binigay ko ang buong lakas at kakayahan ko pero mukhang malakas siya. Hiniga niya uli ako. Siningit ko ang paa ko sa pagitan ng hita niya pero inipit niya. Alam na niya ang gagawin ko. Totoong magaling nga siyang pulis. Hinalikan niya ako pero ayoko pa talaga. Ginamit ko ang kakayahan ko sa pakikipag laban. Binali ko ang daliri niya kaya medyo gumaang ang hawak niya, siya naman ang hiniga ko. "Ang sakit nun ah." Kumento niya.
Hinalikan ko siya saka ko iniwan. "Maliligo lang ako." I said, pero naramdaman kong bumangon siya kaya kailangan ko siyang sipain. Hindi ko pinatama pero nahawakan niya ang paa ko. Kailangan ko nang lumaban. Tumalon ako para sipain siya ng isa pang paa ko. Umikot ako sa ere. Kahit nakadress ako, nagawa ko 'yun pero sinalag lang din niya dahil malakas ang sipa ko na magpapadugo sa nguso niya sana. Sinadya ko 'yun dahil alam kong marunong siyang umiwas. Alam kong masasalag niya ang ganun kabagal na atake kaya napahiga siya sa kama. Bumagsak ako pero naitukod ko ang dalawang kamay ko. Tapos tinutukan ko siya ng isang paa ko sa leeg. "I said maliligo muna ako, bakit ba hindi ka makatiis?"
"Mamaya ka na maligo."
Hinawakan niya ang paa ko. Inalis niya pero ibinalik ko lang hanggang sa hinawakan niya uli. Hinila niya ako pero sinuntok ko siya para hindi ako mapalapit sa kaniya. Susubsob kasi ako. Inilagan lang niya. Napipikon na ako ah. Bakit ang galing niya? Pag ilag niya sabay hinawakan niya ako, halik ang ginawa niyang pang-counter attack. Para hindi ako makawala, sinakal niya ako at hiniga sa kama. Hindi ako seryoso sa labanang ito pero parang inenjoy ko pa. "Ano ba Clark?!" Pumiglas na ako na parang pangkaraniwang babae.
Nagtitigan kami habang nasa ibabaw ko siya. "Akala mo yata kaya mo ako ah." Sabi niya. Ganito pala siya kung nakainom? Wala na akong nagawa. Hinubaran na niya ako. Sabik din naman ako sa kaniya kaya hinila ko na lang siya sa toilet para sabay kaming maligo. After that, lumabas kami ng kwarto para magtuloy hanggang matapos. We had a long romance that never happened before. Nagmamahalan na talaga kami. Nagsindi siya ng sigarilyo tapos binuksan ko ang Tv. May inaabangan pa ako sa balita. Isang babae na naman kasi ang ginahasa at pinatay, tinangay pa ang pera. Itsura lang ang kailangan ko. Mabuti at palabas ang balita. Maganda nga na may replay ang balita sa gabi para sa tulad namin na busy sa umaga. Nakilala na ang gumawa kaso nagtatago pa. Hahanapin kita bukas. Kayakap ko si Clark habang nanonood kami ng Tv. Mahirap mahanap ang lalaki pero madali lang magtanong at malaman kung nasaan siya ayon sa mga pwede niyang magawa sa loob ng tatlong araw.