Diana's POV
"Hello Ate!"
"Huwag niyong sasabihin ang tungkol sa'kin ah." Mabilis kong paalala kay Charity nang makausap ko uli siya.
"Opo, Ate miss na kita."
"Miss na din kita. Nasaan si Clark?"
"Andiyan lang sa labas."
"Ibababa ko na ang phone. Paki sabi, 'wag aalis diyan ah."
"Opo ate. Kailan ka uu--" Miss ko na din kayo. Pero konting panahon pa. Kailangan kong makausap si Steppen. Kailangang walang makaalam na may pamilya ako hangga't hindi ako napapawalang sala.
"Ano'ng plano mo?" Sabi sa akin ni Markie nang makita nila ako.
"Kailangan kong kausapin si Steppen on national Tv."
"Sure ka? Gusto mo pagplanuhan natin?"
"Tulungan niyo na lang ako. May iuutos ako sa inyo."
"Ginawa mo naman kaming utusan lang? No way!"
"Okay lang kung ayaw niyo." Sabi ko na hindi ako sure sa dalawang 'to. Wala na akong magagawa pa kundi umalis. Tama, kailangan kong makalaya.
"Ano ba ang plano?" Dinig ko si Markie kaya napatigil ako sa paglalakad. Sabi ko na eh. Pwedeng hindi nila ako matitiis. Sa aming tatlo, kahit sabihin nila na mas magaling sila sa'kin. Sa'kin parin mas may tiwala si Hajikun.
"Kailangan niyo lang magpanggap na usisero sa gagawin ko. Pero iclear niyo muna kung may Sniping area sa paligid."
"Kayo na lang." Sabat ni Carmelo. "Kung tutuusin. Kahit magpahuli ka na lang. Pwede naman. Ang daming arte! Feeling sikat." Isip bata talaga.
"Kung ayaw mo okay lang." Inirapan ko siya. Inis talaga ako sa ugali niya.
"May paliwanag ka ba sa plano mo para mapaniwala mo kami na dapat ka naming tulungan?" Sabi naman ni Markie habang humarang sa daan ko.
"Wala kayo sa sitwasyon ko kaya wala kayong maisip na plano. Pag isipan niyong maigi kung bakit."
May naramdaman akong dumating. What? Andito pala ang former leader namin na si Hajikun.
"Guys! Kamusta?" Nakatingin kami lahat sa kaniya.
"Hajikun?! Nagpakita ka?" Natuwa din naman ako.
Nakatingin lang si Markie. "Hi Mr. Haji!" Kaswal niyang bati. Halata na alam niyang andito siya.
"Hindi pa man iniisip ni Diana ang plano ay alam ko na." Nagtaka ako sa sinabi niya. Alam na niya? Sigurado kaya siya? "Kailangan niyang makausap si Steppen on air para malaman ng lahat ng tao at lahat ng pulis sa Pilipinas. Nang sa ganun ay ligtas siya sa mga kamay ng kaaway niya."
Tama! Hindi parin siya nagbabago. Marahil alam na niya ang lahat ng pasikot sikot sa sitwasyon ko. Gaya ni Mr. Almasan. Alam na niya pala na ako ang Lady killer at kilala niya kung sino ang mga bigating biktima ko.
Nagpatuloy siya. "Walang makakalapit kay Diana sa kulungan pagkat protektado siya. VIP ang tulad ni Diana. Si Mr. Almasan na ang bahala sa Abogado. Oo nga at ni minsan ay wala pang palpak sa mga hinala ni Steppen. Pero hindi sapat na ebidensya 'yun para madiin si Diana."
"Naiintindihan ko. Sige tutulong ako." Agad na sabi ni Carmelo. Malakas talaga ako kay Sir Haji.
"Pero paano pag napatunayan na si Clariss nga ang killer?" Tanong ni Markie.
Sumagot si Sir Haji. "Mapatunayan man o hindi. Alam kong tutulungan siya ni Steppen. Kailangan lang ay hindi siya agad mabitay or mahuli ng kalaban. Lihim na kalaban ng gobyerno ang ilan sa mga pinatay niya." Tumingin siya sa'kin.