i.

1K 38 7
                                    

i

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

i.

[JOSEON ERA- 1687]

DO KYUNGSOO

"Hija naman, sige na. Kumain ka na kahit konti lang. Huwag mo namang pabayaan ang sarili mo."pagpupumilit ni ina kay Dara na kumain ngunit gaya ng mga nakaraang araw, nananatili pa din itong tulala sa kawalan.

Napatingin sa akin si ina saka umiling. Inilapag na lamang nito sa tabi ni Dara ang inihandang makakain. Malalim na napabuntong-hininga na lamang ako. Hanggang kailan pa ba niya kailanang sisihin ang sarili niya sa mga nangyari?

Ilang buwan na ang nakalipas mula nang tuluyang bawian ng buhay ang mahal na Prinsipe ChanHyun dulot ng malagim na gabing iyon. Lingid sa kaalaman ng prinsipe, may mga nakasunod pala sa kanya na utusan upang kitilin ang buhay niya. Hindi din nito nagawang agad na makahingi ng tulong dahil sa wala ni isa sa palasyo ang nakakaalam ng kinaroroonan nito. Inilihim din kasi ng mahal na prinsipe ang tungkol sa pagkikita nila ni Dara ng gabing iyon.

Ilang minuto lang siguro matapos umalis sa tahanan namin si Dara nang ipag-bigay ng isa sa aking mga tauhan ang nangyayari. Mabuti na lamang at sinabi ni Dara kung saan sila maglikita ng prinsipe kaya agad naman namin siyamg naabutan ng tulong. Ngunit huli pa din ang lahat.

Nagawa nang tuluyang paslangin ng mga utusan ang prinsipe. Hindi na din namin nagawa pang lumaban dahil sa hindi namin inaasahan ang malaking bilang nila. Kaya naman nagpasya na lamang ako na iurong na ang aking hukbo at iligtas si Dara.

Lugmok din sa pagdurusa ang buong kaharian sa pagkamatay ng prinsipe lalo na si Prinsesa Han Young na nakatakda sanang ikasal dito. Ngunit batid ko na higit sa aming lahat ang pagdurusa na nararamdaman ngayon ni Dara.

Kung maaari ko lang sanang pawiin ang sakit na nararamdaman niya...

Kung hahayaan lang sana niya ako...

Naramadaman ko ang pagtapik sa braso ko ni ina, "Kyungsoo, mas mabuti pa nga yata na hayaan na muna natin siya. Masyadong malalim amg sugat na inihatid sa kanya ng mga nangyari."

"Pero ina, ilang buwan na siyang ganyan. Bakit ba niya sinisisi ang sarili niya sa nangyari? Wala siyang kasalanan. Walang may kagustuhan ng paglamatay ng mahal na prinsipe."

Tumango-tango si ina, "Alam ko. Pero intindihin mo siya. Bukod sa nawala sa kanya ang pinakamamahal niya, hindi rin niya nagawang malaman ang kasagutan sa tanong niya kung nagkaroon nga na siya ng parte sa puso ng namayapang prinsipe. Tila ba, tinangay na lamang ng hangin ang sagot sa mga tanong niya."

Napakuyom ako ng kamao, "Kung may maitutulong lang sana ako sa kanya..."

"Sana nga. Kung may paraan nga lang sana para malaman natin kung ano ang sagot sa kanya ng mahal na prinsipe baka mabawasan ang sakit ng loob na dinadanas niya ngayon."

Napabuntong-hininga na lamang kami ni ina. Ilang saglit pa, humahangos at tila balisa na tinwag kami ni Jungkook, isa sa mga tauhan ko, mula sa labas ng tahanan. Nagtatakang agad naman namin itong sinalubong ni ina.

Reply 1687 [A ChanDara FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon