INTRODUCTION

1.4K 50 12
                                    


Reply 1687

INTRO

"Sigurado ka ba talaga na sisipot siya sa usapan ninyo? Baka nakakalimutan mo, Dara, isang haligi ng ating bansa si Prinsipe ChanHyun at ipinagkasundo na din siyang ikasal kay Prinsesa Ha Young?"

Tumango ako sa matalik kong kaibigang si Do Kyungsoo, "Sigurado ako, Kyungsoo. Panatag ako na sisipot siya. Nararamdaman ko na may parte ako sa puso ng prinsipe."

"Pero paano kung----"

"Alam ko, Kyungsoo. Alam ko na maaaring hindi umayon sa kagustuhan ko ang maging resulta ng pagkikita namin...na maaring---maaaring nagpunta lamang siya upang linawin sakin ang katotohanan ng layo ng agwat namin sa buhay pero...gusto ko pa ding umasa. Gusto ko pa ding umasa na baka----baka maglaro ang tadhana at tugunin ang matagal ko nang ipinagdarasal."

Malalim na napabuntong-hininga na lamang ito. Hindi ko naman masisisi si Kyungsoo kung mag-alala man siya ng sobra para sakin. Isa lamang ako sa mga hamak na alila sa palasyo ng Haring Park BaekChan kaya sino nga ba naman ako para umasa na magugustuhan ng kaisa-isang tagapagmana ng korona na si Prinsipe ChanHyun? Kahit na ba magkababata kaming tatlo mula noon nila Kyungsoo.

Sabay-sabay na halos kaming lumaki nina Kyungsoo at Prinsipe ChanHyun sa loob ng palasyo. Dahil nagmula sa pamilya ng tagapag-silbi ng hari, namana ko ang tungkuling iyon at naging isa sa mga tagapag-silbi sa palasyo. Samantalang, naging isa sa mga pinakamatataas na iskolar ng bayan si Kyungsoo at ngayon ay isa sa mga pinuno ng hukbong pandirigma ng hari. At si Prinsipe ChanHyun?

Gaya ng itinakda ng kapalaran, hinubog ito upang maging ang susunod na tagapagmana ng korona ng hari. At tulad ng sa mga naitatala sa kasaysayan, ipinagkasundo itong ipagisang-dibdib sa prinsesa mula sa kabilang palasyo na si Prinsesa Ha Young.

Mula nang malaman ko ang tungkol dito ay agad akong nanlumo. Noon pa naman alam ko na walang patutunguhan ang lihim na pagmamahal ko sa prinsipe dahil sa layo ng estado namin sa buhay bukod pa sa matagal nang nakatakda ang pagpapakasal nito sa prinsesa. Pero nais ko pa ding hamakin ang tadhana.

Kaya naman ilang araw bago ang nakatakdang kasal nila, inamin ko kay Prinsipe ChanHyun ang nararamdaman ko. Hiniling ko na makipagkita ito sa akin ngayong gabi upang malaman ang magiging sagot nito. Maganda man ang maging tugon nito o hindi. Sa gayun, maihahanda ko na din ang sarili kong tuluyan nang kalimutan ang pagmamahal ko para dito.

Nag-gayak na ako saka nagpaalam kay Kyungsoo, "Mauna na ko, Kyungsoo. Ipagdasal mo na sana umayon na sa akin sa wakas ang kapalaran."

"Sana nga...sana nga, matugunan niya ang pagmamahal na iniaalay mo. Sana nga..."malungkot sa pagpapaalam nito saka nag-iwas ng tingin.

Malungkot na pinagmasdan ko ito ng ilang saglit bago tuluyang umalis. Alam ko na matagal na akong minamahal ni Kyungsoo pero sadya yatang mapagbiro ang tadhana at tanging ang Prinsipe ChanHyun lamang ang nagmamay-ari ng puso ko.

Buong tapang na naglakad ako patungo sa kagubatan kung saan kami magkikita ng Prinsipe. Ilang saglit pa ang hinintay ko bago ako may marinig na tila sigawan ng mga nagkakagulo sa may di-kalayuan.

Hindi ko mapigilang manginig habang nakayapos sa palamuti sa buhok na iniregalo sa akin ng Prinsipe noong nakaraang kaarawan ko. Hindi ko maintindihan pero tila nararamdaman ko na mayroong masamang nangyari sa prinsipe.

Namalayan ko na lang na naging mabilis ang mga sunod na pangyayari. Sakay mula sa kanyang kabayo na inakay ako ni Kyungsoo palayo sa nagkakagulo habang nakatulala, balisa at hindi makapaniwala na nakamasid sa walang buhay at duguang katawan ng taong alam ko na siyang tanging magmamay-ari ng puso ko sa habang panahon...

"PRINSIPE CHAAAAANNNNHYUUUUUUNNNN, HIIIINNNDIIIIII!!!"

****

"Love transcends time"

Ang pagmamahalang naudlot ilang taon na ang nakaraan, maaari nga bang ituloy sa kasalukuyan?

Ang pagmamahal na matagal nang inililihim, posible na nga bang matugunan?

Mga tanong sa nakaraan, masasagot nga ba ng kasalukuyan?

Ito ang kwento na magpapatunay na hindi hadlang ang oras o panahon sa isang pusong nagmamahal.





++++++++++++++++++++++++++++
KoiLineBriones' Stories

PRESENTS

*REPLY 1687*
[2ND HALF OF CHANDARA FANFIC TRILOGY]
++++++++++++++++++++++++++++

Notes:
Wala akong masyadong alam sa Korean History kaya pagpasensyahan na kung may mali man. Joseon Era yata ito? Ah, basta! Ipush na lang! UD? Super slow. Haha! Naisipan ko lang ipublish agad baka kasi mawala pa sa isip ko. Short story lamg po ito. Mga minimum of 20-30 chaps? Yups, short na yun sakin! Hihi ^^~! Baka nga ito ang maging longest hostorical fanfic na isusulat ko.

Nyways, here are the Characters:

Song Dara - Sandara Park
Prinsipe Park ChanHyun/ himself- Park Chanyeol
Do Kyungsoo- himself
Haring BaekChan- Baekhyun
Prinsesa Moon Ha Young/ herself- Moon Ga Young
A-Pink as White witches
Minah (Girl's Day) as Punong Babaylan Minah
Krystal (fx), Sulli (fx), Nana (After School), Soyou (Sistar), Sunny (SNSD) as itim na mangkukulam
Song Hye Kyo as Kyungsoo's umma
Taehyung as My Alien from another star
Jungkook as Aliping nasa gilid-gilid ni Kyungsoo
Other EXO members as theirselves
Other 2ne1 members as theirselves.

With special participation of: Seulgi (Red Velvet) in a VERY special role.


Reply 1687 [A ChanDara FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon