xix.
[PRESENT TIME- YEAR 2015]
SONG DARA
"Sa linya ng mga alaala, alin ang nais mong manatili, ang iyong mga alaala sa panahong ito o ng alaala ng mga tao sa iyo sa panahong ito?"
"Dara?"
"Sa linya ng mga alaala, alin ang nais mong manatili, ang iyong mga alaala sa panahong ito o ng alaala ng mga tao sa iyo sa panahong ito?"
"Yah, Dara-ah! Gwenchana?"
"Sa linya ng mga alaala, alin ang nais mong manatili, ang iyong mga alaala sa panahong ito o ng alaala ng mga tao sa iyo sa panahong ito?"
"SONG DARA-SSHI!"
Nawala na lamang ako sa aking malalim na iniisip nang marinig ang malakas na tawag sakin ni Baekhyun. Noon ko lamang napagtanto na kanina pa pala akong tinatawag nito. Bumungad naman sakin ang nag-aalalang mukha nito at ni Xiumin.
"Dara-ah, kanina ka pa namin tinatawag ni Baek pero parang malalim yata yang iniisip mo. May problema ba? Hindi ka ba nakatulog ng maayos kagabi?"nag-aalalang tanong sakin ni Xiumin.
Umiling lamang ako sa mga ito saka alanganing ngumiti, "Mi---mianhae, may iniisip lang. Huwag kayong mag-alala, ayos lang ako."
At tila napaniwala ko naman ang mga ito nang sabay na lamang silang tumango. Ibinalik na muli namin ang atensyon namin sa paghahanda ng almusal para sa lahat. Ngunit hanggang ngayon, hindi ko pa din magawang iwaglit sa isip ko ang sinabi ng anim na mangkukulam.
Sa oras na magawa na naming makabalik nina Kyungsoo at Jungkook sa aming panahon dala-dala ang liham ng mahal na Prinsipe Park ChanHyun at maging matagumpay sa pagsasa-ayos ng lahat, maaring ito na rin ang una at huli naming pagtapak sa panahong ito. At bilang sakripisyo, isa sa pagitan namin ng mga tao sa panahon ngayon at namin nina Kyungsoo at Jungkook ang kailangang magdusa habang namumuhay sa alaala ng nakaraan.
Hindi ko mapigilang mapangiti ng mapait. Paano ko maaatim na magawang pumili sa dalawa? Tila magiging parusa sa kung sinuman ang aking pipiliin ang mamuhay sa mga alaala ng nakalipas at tanggapin ang katotohanang hindi na ulit iyon maaaring maulit pa.
Kaya paano...paano ko magagawang pumili?
At ang pinakapinangangambahan at pinakakinatatakutan ko sa oras na magawa na naming makabalik...
Paano ko magagawang tanggapin ang tuluyang mahiwalay kay Chanyeol?
"Dara-ah! Yah! Omona, bakit ka umiiyak?"
"H---Huh?!"takang tanong ko saka ako agad na napahawak sa mga pisngi ko. Noon ko na lamang namalayan na namamasa na pala ito ng mga luhang hindi ko na nagawang pigilan pa.
BINABASA MO ANG
Reply 1687 [A ChanDara FanFic]
FanfictionMahanap nga kaya ni Song Dara ang hinihintay na sagot sa pagmamahal niya ni Prinsipe ChanHyun? Kahit na halos 1000 years na ang lumipas?! Paano pa kung makilala niya ang tila "reincarnation" nitong si Park Chanyeol? Magulo na nga, mas gugulo pa! Ida...