Mahanap nga kaya ni Song Dara ang hinihintay na sagot sa pagmamahal niya ni Prinsipe ChanHyun? Kahit na halos 1000 years na ang lumipas?! Paano pa kung makilala niya ang tila "reincarnation" nitong si Park Chanyeol? Magulo na nga, mas gugulo pa! Ida...
A/N: Kindly watch REPLY 1687's trailer on the MM above or search it on YT. Look for "Reply 1687 Wattpad fanfic". Kamsa~
-----
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
xi.
SONG DARA
Sabay-sabay na napabaling ang atensyon ng lahat nang biglang magsalita sa harap si Chanyeol. Hawak nito ang isang gitara habang nasa harap naman ng isang malaking uri ng "piano" si Lay. Nagulat na lamang din ako nang makita si Kyungsoo na naroroon din sa isang upuan.
Lumapit naman sakin si Jungkook na tila ba nahulaan ang aking pagtataka, "Jungkook, a---anong gi--ginagawa ni Kyungsoo sa harap kasama nina Chanyeol?"
"Peace offering daw, Dara noona."
"Peace offering? Huh? Ano naman ang ibig sabihin ng salitang iyon?"
Malawak na ngumiti lang ito, "Ang ganda pakinggan, hindi ba? Itinuro iyon kanina saming dalawa ni Heneral ni Kai hyung! Iyon daw iyong bagay na ginagawa mo kapag nais mong humingi ng tawad sa isang tao na nagawan mo ng kasalanan. Para sayo daw yun, noona! Sana magka-ayos na daw po kayo ni Heneral."
Napangiti na lamang ako saka bumaling kay Kyungsoo. Kahit naman hindi na niya gawin ito, hindi ko naman siya magagawang tiisin. Mahalagang kaibigan para sakin si Kyungsoo at hindi ko mawari sa aking isip na mawala ito sa buhay ko. Ngunit, hindi ko rin maitatanggi na tanging pagkakaibigan lamang ang siyang maisusukli ko sa pagmamahal niya.
Dahil aminin ko man o hindi, alam kong masyado na akong nalulunod sa isang malalim na dagat na ako mismo ang gumawa. At ito ang tipo ng pagkalunod na di ko na gugustuhing makaligtas pa.
Seryosong napabaling ako sa direksyon nina Chanyeol at nang iba pa nang tuluyan na niyang simulang magsalita.
"Uhmmm, Annyeong?! Aish! Hindi bagay! Haha! Okay, para sa birthday ni Dara----"
"*Ehem* Para kay Dara lang oh!" "Woooh! Damoves mo tenga, wagas!" "Para-paraan si hyung!" "Cheesy is not my style!" "Suho eomma supports you, Dobi!"
Nakarinig kami ng tila impit na hiyawan mula sa direksyon ng ibang EXO members. Hindi ko tuloy napigilang mamula. Napabaling na lamang ako kay Chanyeol at bigla na lamang akong napangiti nang makita na namumula din ang mukha nito lalo na ang kanyang malalaking tenga.
"*EHEM*"naiilang na muling pagtikhim ni Chanyeol kaya muling natahimik ang lahat, "---at para na din sa muling pagkikita nina JiHyun halmeoni at Iljoon harabeoji, naghanda kami ng simpleng performance para sa lahat. Sana magustuhan niyo. Nga pala, JiHyun halmeoni, may surpresa nga pala kami sayo. Talagang humabol siya para dito. Let us all welcome, mah Baby Smurf, BACON!"
*BOOGSH!*
"BABY SMURF NAMAN!"
Natawa na lang ang lahat nang may isang maliit na lalaki ang biglang bumatok kay Chanyeol mula sa likod. Inis na inikutan lang nito ng mata si Chanyeol.