vii.
[PRESENT TIME- YEAR 2015]
PARK CHANYEOL
"Teka nga, hijo! Huminahon ka nga diyang bata ka! Kanina pang nahihilo ang lola sayo sa kakaparoo't parito mo!"suway na sakin ni JiHyun halmeoni.
Napakamot na lang ako sa batok, "Hehe, mianhada halmeoni. Hindi na nga po kasi ako mapakali sa pagsasa-ayos nitong party natin para kay Dara tas malalaman ko pa na BIRTHDAY niya pala sa mismong araw na yun!"
Halos magulat nga kaming lahat nang malaman namin kay Idol Kai na birthday nga pala ni Dara bukas kung kailan ang mismong araw na balak naming idaos yung party. Ayos naman sana ang lahat dahil sumakto na may party kami sa mismong birthday niya kaya magagawa naming icelebrate yun. Ang problema ko nga lang...
"Ano ba kasi talagang problema,Dobi?"tanong na din ni Jisub hyung habang ngumangatngat ng carrot.
Frustrated na ginulo ko yung buhok ko, "Wala pa kasi akong regalo sa kanya!"
"EHHHHH?! Langya ka talagang bata ka! Akala ko naman kung ano na!"
"Aish! Hindi mo naman kasi naiintindihan, hyung! Sina Idol Kai at yung iba pa, may oras na bumili ng regalo habang pinapasyal nila si Dara sa bayan pero ako,wala akong oras! Bukod sa bukas na yung party, ang dami pa kasing kailangang asikasuhin dito."
"Psh! Yun lang bang pinoproblema mo?"tanong ni Jisub hyung na tinanguan ko, "Eh di bumili ka ngayon ng regalo mo! Yae mo na. Kami nang bahalang tumapos nung ilamg kailangang asikasuhin ni JiHyun halmeoni dito. Kakaunti na lang din naman yun. Yakang-yaka na namin yun!"
Impit na napangiti ako, "Kamsa, hyung. Pero kasi...hindi lang naman yun yung pinoproblema ko."
"Huh?! Ano pa?! Ewan ko sayo, Dobi! Kebata-bata mo pa, ang dami mo nang pinoproblema!"reklamo na ni hyung.
Mahinahong tinapik naman ako sa balikat ni JiHyun halmeoni, "Ano pa ba ang problema mo,hijo?"
Malalim akong bumuntong-hininga, "Alam kong napakaliit na bagay lang po para problemahin ko pero...hindi ko po kasi alam kung ano yung akmang iregalo para kay Dara. Yung alam ko pong ikakatuwa at magagamit niya."
Matamis na nginitian lang ako ni halmeoni, "Iyon lamang ba? Hindi ka nga talaga dapat na mamuroblema sa bagay na yan, hijo. Hindi naman materyalosang bagay si Dara. Kahit na anong regalo ang ibigay mo, tiyak na matutuwa siya ngunit kung gusto mo talagang magbigay ng regalo na siguradong maalala niya, tiyak na matutuwa ang dalaga kung bibigyan mo siya ng kahit na anong palamuti sa buhok."
"Palamuti po sa buhok? Ang ibig niyo po bang sabihin ay pang-ipit?"
Tumango ito, "Kung hindi ako nagkakamali, may isang lumang tindahan sa bayan na pagmamay-ari ni Iljoon, isang malapit na kaibigan. Nagtitinda siya ng mga antigong kagamitan na mula pa noong Joseon Era. Baka makahanap ka doon ng maaari mong iregalo kay Dara."
BINABASA MO ANG
Reply 1687 [A ChanDara FanFic]
FanfictionMahanap nga kaya ni Song Dara ang hinihintay na sagot sa pagmamahal niya ni Prinsipe ChanHyun? Kahit na halos 1000 years na ang lumipas?! Paano pa kung makilala niya ang tila "reincarnation" nitong si Park Chanyeol? Magulo na nga, mas gugulo pa! Ida...