xx.

157 8 8
                                    

[A/N: Please DON'T SKIP reading EVERY line of this chapter. Sa mga naguguluhan, dito ko po ipapaliwanag nang mabuti yung kwento. Baka kasi mas maguluhan kayo kung lalagpasan niyo ito. Kailangan niyo kasing maintindihan muna yung buong sitwasyon nina Dara para sa mga susunod na chapters. I also advice you to back read the previous chaps para mas malinaw.

And yes, naka-ayos na po talaga ang plot at ending nito noong simula pa lang *wink wonk* and last 5 chapters before the epilogue~]

And yes, naka-ayos na po talaga ang plot at ending nito noong simula pa lang *wink wonk* and last 5 chapters before the epilogue~]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

xx.

[JOSEON ERA- TAONG 1687]

1 LINGGO BAGO "ANG PAGBAGSAK NG DEKADA"

-OPISINA NG PUNONG TAGA-USIG AT TAGAPAG-SIYASAT NAM JOO HYUK-

Halos hindi mapakali at kanina pa ang paroo't parito sa paglalakad ng Punong taga-usig at tagapag-siyasat na si Nam Joo Hyuk habang hinihintay ang balita sa kanya ng mga kawal na sina Seungcheol, Mingyu at Wonwoo. Ipinapasa-Diyos na ng binata ang lahat dahil alam niyang ginawa na nila ang lahat upang makakalap ng sapat na ebidensya na inosente ang Ginang Do at hindi kailanman magagawang talikuran ng kaibigan niyang si Heneral Do Kyungsoo ang kanyang responsibilidad sa kaharian.

Ngunit sa hindi mawarnig dahilan ay masama ang kutob ng binata dahil noon pa lamang ay sari-sari nang kapahamakan ang kanilang hinarap habang naghahanap ng sapat na ebidensya para sa ginang. Tila nga ba't may kakaibang pwersa ang pilit na nagpupumigil sa kanila upang magtagumpay. Isang kakaibang pwersa na batid niyang wala na sa hinagap ng kanyang kapangyarihan bilang tauhan ng hari.

Bukod pa doon, mas lalong sumama ang kutob ng punong taga-usig at tagapag-siyasat na mayroong mangyayaring masama sa kanilang kaharian. Nang isang linggo lamang ay ibinalita sa kanya ni Seungcheol sa pamamagitan na din ng Punong Eunuch Jihoon na nagsisimula nang maghanda ang hukbo ng hari para sa isang napipintong malaking digmaan.

Kung aayon lamang sana sa kanila ang lahat, kung matutupad nga sana ang plano niya na mapasawalang-sala ang Ginang Do, maaring ito na ang maging simula ng pagkakalinaw ng utak ng kamahalan at mapigilan ang nagbabantang digmaan.

Kaya ganoon na lamang ang gulat ng binata nang biglang pumasok sa kanyang opisina sina Seungcheol, Mingyu at Wonwoo. Walang pagdadalawang-isip na agad niyang sinalubong ang dalawa at inihanda sa dalang balita ng mga ito.

"Seungcheol, Mingyu, ano ang balita?! Napasawalang-sala nga ba ang Ginang Do?"agad na bungad ng binata sa mga ito.

Ngunit di gaya ng inaasahan, isang malungkot at malamlam na mukha ni Seungcheol ang bumungad sa kanya, "Punong taga-usig..."

"Hindi----Hindi! Sabihin niyong hindi tulad ng inaakala kong nakabakas sa mga mukha niyo ang kinahinatnan ng lahat?! Sagutin niyo ko!"halos nagwawala nangtanong ng binata sa dalawang kawal.

Malungkot at tila nagpipigil ng luha na sumagot si Mingyu, "Patawad, Ginoo. Ngunit tila nabalewala lamang ang lahat ng ating paghihirap. Pilit na idiniin ng Punong Ministro ang Ginang sa kanyang kasalanan na siyang pinanigan ng buong konseho ng hari. Datapwat mababakas na hindi sang-ayon ang ating kamahalan sa pangyayari, tila nakagapos ang mga kamay nito at walang nagawa."

Reply 1687 [A ChanDara FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon