xv.

457 17 13
                                    

A/N: Masyado akong inspired isulat itong reply dahil sa "if we love again" perf nina Chen at Chanyeol. Kyaaa~ ChanDara! Sugarman feelseu~! Haha!
And siguro sa lahat ng stories na isinulat ko dito sa wattpad, dito ako masyadong attached. You'll know why...^^
----

^^----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

xv.

[YEAR 1687- JOSEON ERA]
-SA PALASYO NG HARING PARK BAEKCHAN-

"ANONG KLASENG KAHANGALAN ANG IBIG SABIHIN NITO?!"nag-uumapaw sa galit na sigaw ng Haring Park BaekChan nang bumungad sa kanya ang pansamantalang pinuno ng kanyang hukbong sandatahan na si Heneral Ryeowook.

"Inihihingi ko po ng paumanhin, mahal na hari, ngunit batay sa kaalamang ipinaabot satin ng kaharian ng Haring Moon ChangHo, tila idinedeklara nila ang isang digmaan laban sa ating kaharian."nakatungong sagot ni Heneral Ryeowook.

Umani ito ng bulung-bulongan sa buong konseho ng hari. Maging ang kanyang mga ministro ay lubos na ipinagtataka ang dahilan sa likod ng pagdedeklara ng digmaan ng kabilang palasyo.

Tila nauubusan naman ng lakas na napaupo sa anyang trono ang butihing hari, "Ngunit....bakit? Ano ang lubos na ikinagagalit satin ng Haring Moon ChangHo upang magdeklara na lamang ng digmaan laban sa ating kaharian?"

"Hindi kaya dahil sa naudlot na kasal ng kanilang Prinsesa Ha Young at ng mahal na Prinsipe?"suhestiyon ni Punong Ministro Seokmin.

Umiling lamang ang hari, "Imposible ang iyong itinuturan, Punong Ministro Seokmin. Batid kong lubos na naiintindihan ng Haring Moon ChangHo ang trahedya na dinanas ng ating kaharian."

"Mahal na Hari, paumanhin sa aking sunod na isasambit ngunit...hindi kaya dulot ito ng mga kumakalat na balita tungkol sa mahal na prinsipe?"tila may pag-iingat na sambit ng Ministro Jin.

Agad na napakunot ang noo ng hari, "Anong klaseng balita ang iyong itinutukoy, Ministro Jin?"

Doon na nagsimulang magbulungan ang lahat ng nasa loob ng konseho. Dahil sa batid nila ang labis na pagdadalamhati ng pamily ng hari sa pagkapaslang ng mahal na prinsipe, hindi na nila naipabatid dito ang bali-balitang kumakalat sa buong kaharian.

Humugot ng lakas ng loob at mariing napalunok si Ministro Jin bago nagdesisyong tuluyang ipabatid sa hari ang nalalaman, "Mahal na Hari, huwag po sana kayong mabibigla ngunit may mga bali-balitang kumakalat sa buong kaharian na kaya mag-isang nagpunta sa kagubatan ang mahal na prinsipe ng gabing mapaslang ito ay dahil plano nitong tumakas kasama ng dalagang tunay nitong minamahal."

"A---ANO?! Saan nanggaling ang kahangalang iyan?!"

"Hindi din po namin alam, mahal na hari. Basta na lamang po itog kumalat sa buong kaharian. Tila nagtataksil daw ang mahal na prinsipe sa Prinsesa Ha Young ayon sa mga kumakalat na balita at----"

Nag-uumapaw sa galit na muling napatayo sa kanyang trono ang mahal na hari, "ANONG KARAPATAN NILA UPANG DUNGISAN ANG PANGALAN NG MAHAL NA PRINSIPE?! MINISTRO JIHOON!"

Reply 1687 [A ChanDara FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon