[A/N: Mianhae, mianhae, hajima~ (to the tune of IKON's "Apology) sa super late UD! Huhu! Busy eh! Saka hindi po maka-get over sa EXOlu'Xion in Manila! Hwaiting, PhiXos! PhiXos pa more, Baek!]
----xii.
[JOSEON ERA- YEAR 1687]
-SA PALASYO NG HARING MOON CHANGHO; PUNONG PALASYO NG HARI-"Kamahalan, kailangan na po nating gumawa ng nararapat na aksyon! Hindi lamang pananamantala sa mabuting ugnayan ng ating palasyo ang mga naturang aksyon ng kaharian ng Haring Park BaekChan, sinisira din nila ang ating imahe sa ibang karatig na bansa dahil sa mga kumakalat na bali-balita sa mahal na Prinsipe ChanHyun! Hindi lamang nila nilalapastangan ang mahal na Prinsesa Ha Young, kundi maging ang sakramento ng kanilang naudlot na pag-iisang-dibdib!"
Sunud-sunod na nagsi-tanguan ang lahat ng mga ministro sa bulwagan ng punong palasyo ng Haring Moon ChangHo. Hindi naman maitatago ang unti-unting pagsilay ng ngisi sa labi ng punong ministro habang tahimik na nakikinig sa usapan.
Mula nang mamatay ang Prinsipe ChanHyun, kumalat na ang mga balita na ang dahilan kung bakit ito nagsadya sa liblib na kagubatang iyon nang wala man lang ni isa ang nakaka-alam at walang kasama ni isang gwardiya sibil nito ay dahil nagbabalak ito na takasan ang pag-iisang dibdib nito sa Prinsesa Moon Ha Young kasama ng isang dalaga na sinasabing tunay nitong minamahal. Hindi pa tuluyang nalalaman ang pagkakakilanlan ng dalaga ngunit malakas ang ugong ng mga balita na ang dalaga ay hindi nabibilang sa dugong bughaw na pamilya.
Ang mga kumakalat na balitang ito ang siyang dahilan kung bakit nakaratay ngayon sa higaan ang mahal na Prinsesa Moon Ha Young. Sinasabing labis nitong ininda ang kaalaman na may ibang minamahal ang prinsipeng kanyang iniibig. Nangangamba ang lahat sa kalusugan ng mahal na prinsesa lalo na ngayon na nagdadalang-tao ito.
Dahil dito, unti-unting nagkaroon ng gusot sa pagitan ng mabuting ugnayan ng dalawang kaharian. Mas lalo pa itong lumaki nang mapag-alaman ng palasyo ng Haring Moon ChangHo na lihim na nainirahan sa paligid ng kaharian ng Haring BaekChan ang sinasabing mga itim na mangkukulam na siyang dahilan ng pagkalat ng ilang malalang epidemya na siyang kumitil sa buhay ng ilan sa mga mamamayan ng kaharian ni Haring Moon ChangHo.
Lingid sa kaalaman ng hari na sa mimsong loob ng kaharian nito nainirahan ang kinatatakutan at pinangangambahang mga itim na mangkukulam at kakampi ng mga ito sa pagsasagawa ng kanilang mga itim na balak ang ilan sa mismong miyembro ng kanyang gabinete.
"Hindi po ba't pagdedeklara na ng digmaan sa ating palasyo ang pagpapatuloy sa kanilang kaharian ng mga mangkukulam na siyang dahilan ng malalang epidemya na kumitil sa buhay ng ilan sa ating mga mamamayan?!"
"Bukod pa po doon, kamahalan, kahit pa naudlot ng tuluyan ang pag-iisang dibdib ng mahal na Prinsesa Moon Ha Young at Prinsipe ChanHyun, hindi ba nararapat lamang na sumunod sa mga napagkasunduan ng kasal ang palasyo ng Haring BaekChan na magbibigay ng malaking halaga ng mga gamot at tulong sa atin? Ngunit, nasaan na ang kanilang ipinangako?!"
BINABASA MO ANG
Reply 1687 [A ChanDara FanFic]
FanfictionMahanap nga kaya ni Song Dara ang hinihintay na sagot sa pagmamahal niya ni Prinsipe ChanHyun? Kahit na halos 1000 years na ang lumipas?! Paano pa kung makilala niya ang tila "reincarnation" nitong si Park Chanyeol? Magulo na nga, mas gugulo pa! Ida...