ii.

713 39 6
                                    

A/N: At dahil nga nasa ibang dimension ng oras si Kyungsoo, as usual, wala siya dito sa present time. OT11 lang po for the meantime dito sa present time.

--------

--------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

II.

[PRESENT TIME-2015]
SEOUL, SOUTH KOREA

PARK CHANYEOL

"Okay, everyone! That's a wrap! Thank you all for your hard work!"

Sunod-sunod na hiyawan ang sumunod matapos iyong sabihin ng photographer  nitong shoot. Napangisi na lang ako nang inakbayan ako ni Sehun.

"Yun oh, Hyung! Bakasyon grande na! Makakapagpahinga na din tayo sa wakas!"

Umakbay naman sa kabila kong balikat si Chen, "Ne, ne! Mabuti na lang talaga at naisipan nentong si manager na pagpahingahin tayo! Oh, san tayo, guys?"

"Gaya nga ng napag-usapan, dun pa din tayo sa bahay ng lola nitong si Baek." pagsagot naman ni Suho hyung sa tanong ni Chen. Binalingan naming lahat si Baek na nagre-retouch ng eyeliner sa mata niya.

Malungkot na bumaling ito samin, "Mianhada, guys. Pero baka hindi ako makasama sa inyo sa bahay ni halmeoni."

"EHHHHH?! WAEEEE?!"dismayadong sigaw ni Lay na bigla na lang nagising. Pinigilan tuloy naming matawa lahat. Si Lay hyung talaga. Sa totoo lang ideya niya talaga kung saan kami magbabakasyon.

Inakbayan naman ni Baek si Lay, "Don't worry, hyung! Matutuloy pa din naman kayo sa bahay ni halmeoni. Nasabihan ko na naman siya tungkol sa pagdating niyo. Kailangan ko lang kasi samahan si jagi sa bahay ng mga magulang niya."paliwanag nito na ang tinutukoy ay si Taeyeon noona.

"Naks naman, Baby Smurf! Meet the parents na agad?!"nang-aasar na sabi ko dito.

"Inggit ka lang! Mag-girlfriend ka na kasi, Giant! Kita mo, naunahan ka pa niyan ni maknae!"sabay baling nito kay Sehun sa tabi ko.

Natawa na lang kaming lahat nang nanggagalaiting binalingan siya ni Luhan hyung, "Yah, Byun Baekhyun! Anong girlfriend huh?! MANLY ako, MANLY!"

"Woooh! Manly daw eh deads na deads naman kay Thehun!"nanlaki ang mata nito nang makita ang isang soccer ball na handa nang ibato ni Luhan hyung sa kanya, "OH! OH! HYUNG! MAHAL KO PA BUHAY KO! FCK! THEHUUUUNNN! PIGILAN MO NGA ITONG GIRLFRIEND MO!"

Agad naman na umalis sa pagkakaakbay sakin si Sehun at yumakap kay Luhan hyung. At parang magic nga na biglang kumalma si hyung. Nagsumiksik lang ito sa yakap ni   Sehun. Napailing na lang kaming lahat.

Bumulong sakin si Chen, "Langya! Manly daw eh kung makasiksik kay Sehun! Pustahan tayo, tsumatsansing lang yan kay Sehun!"

"SHUT UP, CAMEL, KUNG AYAW MONG IKAW ANG BATUHIN KO NITONG SOCCER BALL!"angil ni Luhan Hyung.

"NARINIG MO PA YUN?!"

Natawa na lang kaming lahat sa dalawa.   Nasa katapusan na ng nakaraang taon nang bumalik sa grupo sina Luhan Hyung, Kris at Tao. Siyempre, hindi maiiwasan na magtampo kaming lahat sa tatlo pero dahil mas nangingibabaw samin ang pagmamahal sa kanila, hindi naman nagtagal iyon. Simula ng taon nang aminin samin ng tatlo ang tunay na dahilan ng pag-alis nila.

Reply 1687 [A ChanDara FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon