xxi.
[YEAR 2015]
-SOUTH KOREA NATIONAL MUSEUM-
Seoul, South Korea
SONG DARA
"Jisub hyung, sigurado ka ba talaga dito? Bakit parang masama ang kutob ko?" hindi maiwasang tanong ni Xiumin habang abala kaming lahat sa paghahanap ng isang nakatagong butas sa mga halamanan dito sa may likod ng museo. Ito raw ang siyang magsisilbing pintuan namin upang mapadali at palihim na makapasok sa loob.
Ayon kina Jisub sunbaenim at sa iba pa, naririto daw sa loob ng museo pinag-aaralan at itinatago ang nawawalang sulat na siyang sagot sa akin ng Prinsipe ChanHyun. Nasa may pinaka-liblib na kwarto sa dulo ng pasilyo ng museo daw ito nakatago.
Tumango si Jisub sunbaenim, "Ang kulit mong bata ka, sinabi na ngang sigurado nga ako! Sabi nga ng source ko, dati pa daw nila itong ginawa para palihim na maitakas yung mga mahahalagang artifacts."
Nanlalaki ang mga matang napabaling dito si Suho, "Jonginang yan, HYUNG! Magnanakaw yata yan yang source mo eh!"
"Sira! Kinakailangan kasi iyong gawin ng palihim sa media dahil may ibang mga artifacts daw na maaring makasira ng kung anong meron sa ngayon. Alam mo na, para mailayo sa mga gahamang politiko at negosyante na ang nais lang ay pagkakitaan at pagmulan ng kapangyarihan yung mga artifacts."
"Sino ba kasi yang source mo talaga, hyu----"
Hindi na naituloy pa ni Tao ang tanong niya nang biglang napasigaw si Jungkook, "Dara noona! Kyungsoo hyung! Mukhang nakita ko na!"
BINABASA MO ANG
Reply 1687 [A ChanDara FanFic]
FanfictionMahanap nga kaya ni Song Dara ang hinihintay na sagot sa pagmamahal niya ni Prinsipe ChanHyun? Kahit na halos 1000 years na ang lumipas?! Paano pa kung makilala niya ang tila "reincarnation" nitong si Park Chanyeol? Magulo na nga, mas gugulo pa! Ida...