A/N: Dedicated po to SinisterSushi for making the beautiful book cover! Thanks you po! Pasensya na din po sa late dedic! Thank you po ulit!
Anyways, bukod sa ChanBaek,EXO OTPs po ang ibang bidang ship dito esp. KaiSoo. Sensya na sa maiilang pero kasama din kasi yun sa story plot bukod sa tamad akong mag-isip ng partner para sa kanila. Hihi~!
Let's all greet Dara unnie a HAPPY BIRTHDAY! Happy Birthday, unnie! Sana magmahalan pa kayo ni Chanyeol! Haha! Mwah!
----viii.
KIM JONGIN
Habang lubos na pinagmamasdan ko si Kyungsoo ay hindi pa din ako halos makapaniwala na yung taong pinangarap kong makita, yung taong halos sa mga panaginip ko lang nakikita ng personal, yung taong ni sa hinagap ay di ko inakalang makikita ko sa magkaparehong oras at panahon ay nasa harap ko na. Nakaupo sa harap ko at lubos na namamangha sa paligid nitong cafe' kung saan ko sila dinala ng kasama niya.
Pinagsawa ko ang mata ko sa pagmamasid sa perkpektong mukha nito. Habang mas lalo ko siyang pinagmamasdan, mas lalo kong nasisiguro na hindi nabigyan ng hustisya yung perkpektong mukha niya ng nagpinta sa larawang nakita ko. Yung malalaki ngunit mapupungay niyang mga mata, yung matangos niyang ilong, yung mala-porselana at maputi niyang kutis lalo na yung mga mapupula niyang labi na naghu-hugis puso sa tuwing ngumingiti siya, lahat ay perpekto sa mata ko.
Puno ng pamamangha na pinagmasda nila ng kasama niya---na nalaman kong Jeon Jungkook ang pangalan---yung paligid nitong cafe' kung saan ko sila dinala. Hindi ko tuloy mapigilamg mapangiti habang nakikita yung kakaibang kinang sa mata nila habang nagmamasid.
Ilang saglit pa ay isinerve na din nung waitress---na saglit na pinasadahan ng weirdong tingin sina Kyungsoo at Jungkook---yung tsaa at cake na inorder ko para sa aming tatlo. Ngumiti na lamang ako dito.
Pagkaalis ng waitress ay pasimple akong tumikhim para makuha yung atensyon ng dalawa. Sabay naman silang mapabaling sakin.
"Uhmmm, kumain na muna kayo. Alam kong mahaba ang naging biyahe---este, paglalakbay na ginawa niyo at paniguradong gutom na kayo."
Tumango si Jungkook na tila kumikinang ang mga mata habang nakabaling sa cake na nasa harap niya. Malawak ang ngiting binalingan ako nito, "Tunay nga ba, Ginoong estranghero?! Para nga ba talaga samin ang lahat ng ito?!"
Tumango ako na mas ikinalawak ng ngiti nito. Binalingan nito si Kyungsoo na malalim ang pagkakakunot ng noo, "Heneral, tara na at kumain na daw tayo!"
Ngunit natigilan na lamang ako nang bigla na lamang pigilan ni Kyungsoo si Jungkook sa akmang pagkain na ikinanguso nito, "Heneral naman!"
"Huwag kang hangal, Jungkook. Hindi ka dapat basta-basta na lamang tumatanggap ng pagkain sa mga estrangherong hindi mo lubos na kilala."
"Pero Heneral----"
Hindi na ito nakasagot pa nang tapunan ito ng masamang tingin ni Kyungsoo. Sunod naman na seryosong binalingan ako nito, "Sabihin mo, Ginoong estranghero, paano mo ako nakilala?"
BINABASA MO ANG
Reply 1687 [A ChanDara FanFic]
FanfictionMahanap nga kaya ni Song Dara ang hinihintay na sagot sa pagmamahal niya ni Prinsipe ChanHyun? Kahit na halos 1000 years na ang lumipas?! Paano pa kung makilala niya ang tila "reincarnation" nitong si Park Chanyeol? Magulo na nga, mas gugulo pa! Ida...