vi.

581 23 5
                                    

vi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

vi.

[JOSEON ERA- YEAR 1687]
-SA TAHANAN NG MGA DO-

DO KYUNGSOO

Bago tuluyang lumisan ng aming tahanan at tuluyang sundan si Dara sa makabagong panahon, sinigurado ko muna na maayos kong maiiwan si ina. Pinakiusapan ko ang punong tagapamahala ng aming tahanan na siya na muna ang bahalang tumingin sa aking ina habang ako ay nasa malayong paglalakbay. Naluluhang hinaplos ni ina ang aking mukha.

"Kyungsoo, anak ko. Wala akong ibang mahihiling sayo kundi ang iyong kaligtasan. Nais ko lamang na maging maayos ang iyong paglalakbay ag hiling ko sa Maykapal na sana ay patnubayan ka Niya na mahanap si Dara..."lumuluhang sabi nito.

Tumango na lamag ako at dinama ang init ng kamay ni ina, "Huwag kayong mag-alala, ina. Hindi ako gaanong magtatagal at makakasiguro po kayo na sa aking muling pagbabalik, makalasama na po natin si Dara muli."

"Nawa'y magkatotoo ang iyong turan. Bago ka nga pala tuluyang umalis, nais kong ibigay ito sayo..."iniabot sakin ni ina ang isang balisong na napapalamutian ng mga itim na perlas, "Ito ay galing sa iyong ama."

"Kay ama?"gulat na turan ko saka sinuri ang naturang balisong. Maliit lang iyong ngunit makikita na tila pimagtuunan ng oras ang pagkakahulma sa katawan nito. At kabaligtaran sa makikita dito, napakagaan nitong dalhin.

Tumango si ina, "Pamana iyan sa iyong ama ng kanyang mga ninuno. Ayon sa iyong ama, nagtataglay daw ng malakas na pwersa ang sandatang iyan laban sa itim na mahika. Iyon daw ay dahil sa ito ay binugyan ng isang mahiwagang dasal ng isang monghe sa templo. Hindi ko mawari kung bakit ngunit pakiramdam ko na kakailanganin mo iyang sandata sa kahaharapin mong misyon."

"Ina..."hindi ko na napigilan ang aking sarili at agad na napayakap dito, "Maraming maraming salamat po, ina. Huwag po kayong mag-alala, hindi ko po kayo bibiguin."

"Hindi iyon mahalaga sakin, Kyungsoo. Ang nais ko lamang ay ligtas lang bumalik at ako ay mapapanatag na sa bagay na iyon."

Tumango na lamang ako. Ilang saglit pa ay dumating na si Jungkook kasama ang aking kabayo, "Heneral, naririto na po ang iyong kabayo."

"Maraming salamat, Jungkook."nakangiting baling ko dito saka muling tinignan si ina, "Mauuna na po ako, ina. Minzy at Bom, kayo na sana ang bahala sa aking ina."

"Makakaasa po kayo, Heneral. Aalagaan po namin ang ginang."sabay yuko ng dalawa.

Saglit kong kinintilan ng halik ang pisngi ng aking ina at muling nagpaalam dito bago tuluyang sumakay ng aking kabayo. Hindi ko napigilang mapangiti nang makitang tila naluluha na sa tabi si Jungkook.

"Hen---Heneral---Heneral Do! Hindi po ba talaga ako maaaring sumama sa inyo?!"nagpipigil ang hikbi na tanong nito.

Napangiti ako. Mula pagkabata ay ako na ang siyang nag-alaga kay Jungkook nang iligtas ko ito sa pamilihang bayan mula sa mga kawatan na nagtuturo sa kanyng magnakaw sa iba. Nalaman ko na ito ay ulilang lubos kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip na kupkupin na lamang ito. Itinuring na namin ito ni ina na kabilang sa aming pamilya at namin ni Dara bilang nakababatang kapatid. Naging malapit ito sa akin kaya hindi na nakakapagtaka na gayun na lamang anv pagpupumilit nito na sumama sa aking paglalakbay.

Reply 1687 [A ChanDara FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon