Mahanap nga kaya ni Song Dara ang hinihintay na sagot sa pagmamahal niya ni Prinsipe ChanHyun? Kahit na halos 1000 years na ang lumipas?! Paano pa kung makilala niya ang tila "reincarnation" nitong si Park Chanyeol? Magulo na nga, mas gugulo pa! Ida...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
iv.
SONG DARA
Agad akong nanibago pagkamulat ko ng mata. Napabangon ako sa aking hinihigaan saka inilibot ang aking paningin sa paligid. Noon ko naalala na nasa kasalukuyang panahon na nga pala ako.
Napabaling ako sa maliit na garapon na nasa tabi ng aking higaan. Ito ay naglalaman ng minatamis na prutas. Ayon kay Ginoong Chanyeol, honey daw ang tawag sa dahilan ng tamis nito at ang prutas daw ay tinatawag na lem----lemon?! Hindi ako nakakasiguro sa pangalan nito. Ingles daw kasi ang salita. Anong klaseng salita iyon? Ngunit habang nakatitig dito ay hindi ko napigilang mapangiti.
Napakabuti sakin ni Ginoong Chanyeol. Ngunit magpasahanggang ngayon, hindi ko pa din maalis sa aking sarili ang huwag mailang sa tuwing kasama ito. Kamukhang-kamukha kasi nito ang aking Prinsipe ChanHyun. Sigurado ako na tiyak na magugulat din si Kyungsoo sa oras na makita siya.
Oo nga pala, si Kyungsoo...
Kamusta na kaya ang aking kaibigan sa aming panahon? Sana ay naipaliwanag ng limang mangkukulam dito ang dahilan ng aking pag-alis upang maintindihan nito kung bakit kinakailangan ko itong gawin. Hindi lang naman ito para sa aking sariling kabutihan, para din ito sa kabutihan ng buong palasyo.
Dahil pakiramdam ko naman na maayos na ang aking pakiramdam, bumangon na ako sa aking higaan at inayos iyon. Kagabi ay itinuro sakin ni JiHyun halmeoni ang tungkol sa tinatawag nilang "banyo" o palikuran sa aming panahon.
Pagkapasok sa palikuran ay hindi ko napigilang muling mamangha dito. Mayroon itong kakaibang pandilig na nakakabit sa may pader ng tahanan. Ano nga ba ang tinawag dito ni halmeoni? Sho----shower nga ba iyon? Sa may harap naman ng malaking salamin ay makikita ang iba't ibang mga bagay na kanilang ginagamit sa paglilinis ng katawan. Sabon, isang likidong ginagamit upang panglinis ng buhok o sham---pi? Ah, hindi! Katunog yun ng isang numero! Isa...anim....walo, siyam-----AH TAMA! SHAMPOO! Pigil akong napahagikhik sa aking kalokohan.
Sandali akong naligo at nagbihis bago tuluyang lumabas ng aking kwarto. Mabuti na lamang at binigyan ako ni halmeoni ng damit na aking pamalit. Hinanap ko ito sa buong tahanan at natagpuan itong nagluluto. Ganito ba ang mga kusina sa makabagong panahon?
Napalingon ito sa aking direksyon, "Oh! Magandang umaga, Dara!"
Yumuko ako bilang paggalang, "Magandang umaga din po sa inyo."
"Naging maayos ba ang iyong tulog? Teka sandali lang, hija huh? Kakasimula ko pa lang kasi sa pagluluto."
"Huwag po kayong mag-alala, halmeoni. Ang totoo po niyan, kaya ko po ninais na bumangon ng maaga ay para tulungan kayo."
"Naku,hija,salamat naman! Pero sigurado ka bang makakaya mo na?"
Nakangiting tumango ako, "Ne, halmeoni. Isa pa, nais ko pong maghanda ng makakain para sa lahat bilang aking pasasalamat sa inyong kabutihan sa akin."