Mahanap nga kaya ni Song Dara ang hinihintay na sagot sa pagmamahal niya ni Prinsipe ChanHyun? Kahit na halos 1000 years na ang lumipas?! Paano pa kung makilala niya ang tila "reincarnation" nitong si Park Chanyeol? Magulo na nga, mas gugulo pa! Ida...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
xxiii.
[YEAR 1687]
-SA SILID PAHINGAHAN NG MAHAL NA PRINSIPE CHANHYUN-
Ilang araw bago ang nakatakdang kamatayan ng prinsipe...
"Kamahalan, lumalalim na po ang gabi. Hindi niyo pa po ba nais na magpahinga?" tanong ng kanang kamay na eunuch EunHyuk sa mahal na Prinsipe Chanhyun.
Hindi maiwasang mag-alala ng batang eunuch sa kanyang kamahalan dahil sa napapansing buong araw itong tila tulala at may malalim na iniisip. Maging ang kanyang gurong iskolar ay napansin ang tila malalim na iniisip ng batang kamahalan. Buong araw na halata ang pagkabagabag sa mukha nito na maging ang kanyang mga pagkain ay hindi niya nagawang ubusin.
Walang tugon ang batang kamahalan sa eunuch dahilan upang mas lalo itong mag-alala. Napatingin ang eunuch sa mga tagapagsilbi ng hari na bigyan sila ng pribadong oras upang mag-usap ng kamahalan na siya namang agad na tinugunan ng mga ito.
Nang maiwan na lamang ang dalawa ay hindi na napigilan ni eunuch EunHyuk na magtanong sa kamahalan, "Kamahalan, ano nga ba ang bagay na tila bumabagabag sa iyong isipan?"tanong ng eunuch.
Noon na bumaling ang prinsipe sa kayang eunuch at siya din niyang itinuturing na isa sa kanyang matatalik na kaibigan, "Eunuch EunHyuk, umamin sakin ng kanyang pagibig si Dara."
Nanlalaki ang mga matang halos hindi makapaniwala ng batang eunuch, "Ang aliping si Song Dara at siya rin iyong matalik na kaibigan at kababata?"
Tumango ang prinsipe.
"Si Song Dara...kung hindi ako nagkakamali sa aking pagkakatanda ay siya ding mismong dalaga na iyong iniib----"
Bago pa man matapos ng eunuch ang kanyang sasabihin ay mabilis na tumango ang batang prinsipe, "Oo, Eunuch, siya nga. Si Song Dara, ang aking matalik na kaibigan, ang aking butihing kababata at siyang dalagang aking lubos na iniibig."
"Ngunit kamahalan----"
Isang malalim na buntong-hininga lamang angibinungad ng batang prinsipe sa kanyang eunuch, "Batid ko, eunuch EunHyuk ang iyong sasabihin. Alam na alam ko ngunit masisisi mo ba ako kung maging ganito man ako kasaya sa kaalamang iniibig din ako ng dilag na itinatangi ng aking puso?"
Napipilan na lamang si Eunuch EunHyuk. Batid ng batang eunuch ang mapait na tadhana ng pagibig ng kanyang kamahalan. Gaano man nito nais na maipabatid ang pagibig sa dalagang kanyang tunay na minamahal ay hindi maaari. Hindi maaari hindi lamang dahil mali sa mata ng batas at mali sa mata ng lipunan ngunit dahil marami ding pusong masasaktan.
"Sabihin mo sakin, Eunuch EunHyuk, ano ang dapat kong isagot kay Dara? Paanong pagsisinungaling ang aking gagawin upang hindi maipabatid sa kanya ang tunay kong nadarama?"
"Kamahalan..."
Mas lalong naawa ang batang eunuch sa prinsipe nang makitang unti-unti na ang pagtulo ng mga luha nito, "Sinasabi ng iba na kung iniibig ko man siya ay maari ko siyang gawing isa sa aking mga asawa ngunit eunuch, hindi nararapat para sa isang tulad ni Dara ang maging isang sukbin lamang. Nararapat sa kanya ang lahat ng kayamanan sa mundo o higit pa. Isang klase ng pagibig at pagmamahal na wagas at maaari niyang buung-buong angkinin."