[A/N: Sorry for the long wait! Before everything else, let's have first a KaiSoo chap~ Hihi! Nga pala, may bago tayong character sa past. Yes, late ko na siya naipasok dito pero isa siya sa may pinakamalaking parte na gagampanan dito sa istorya. Enjoy!
P.S: This chapter contains boyxboy scenes (no smut! HAHA!). If you're not comfortable reading this kind of stories, you may skip this chap. Pero---well, KAISOO pa BA?! KAISOO yan oh! HAHA!]
xviii.
[JOSEON ERA, TAONG 1687]
-SA BUKANA NG PALASYO-
"Punong Ministro Yoon, kinakailangan pa ba nating ipadanas kay KyungMin ito?! Wala namang kinalaman ang aming dating tagapagsilbi sa palasyo sa kung anuman ang naging kasalanan ng kanyang anak o ng kanyang anak-anakan sa buong kaharian o maging sa aking mahal na anak!"pagpapatigil ng Haring BaekChan sa pagpapasakit kay Ginang Do.
Nasa isang upuan ito habang nakatali at pilit na ibinubuka ang mga binti gamit ng kahoy. Pinipilit ito na magsalita sa kung saan naroroon ngayon sina Kyungsoo, Dara at Jungkook. Mababakas sa matandang ginang ang hirap na dinadanas. Nais sana itong tulungan ng ibang mga kawal na tapat na tagapaglingkod at kaibigan ni Kyungsoo ngunit batid nila na buhay nila at ng kanilang mga pamilya ang magiging kabayaran sa oras na gawin nila ito.
Umiiling na ngumisi lamang ang Punong Ministro, "Kailangan nating gawin ito, Kamahalan. Alang-alang sa paglilinis ng pangalan ng mahal na Prinsipe ChanHyun, Kamahalan. Nais niyo bang magpatuloy ang sigalot natin sa pagitan ng palasyo ng Haring ChangHo?!"
"Ngunit----"
"Kamahalan, isipin niyo na lamang ang inyong namayapang anak, ang aming pinakamamahal na prinsipe. Batid niyo na minsan, kinakailangang may dumanas ng hirap at pagpapasakit para sa kabutihan ng nakakarami."
Napatiim na lamang ng bibig ang Haring BaekChan at napayuko ng ulo. Naiisip nito na may punto nga naman ang kanyang Punong Ministro at nais din niyang linisin ang pangalan ng kanyang anak.
Ang hindi nito nakita ay ang pagsilay ng isang ngisi sa labi ng Punong Ministro. Muli nitong ibinaling ang atensyon kay KyungMin na nasa harap at halos naghahabol na ng hininga.
"Umamin ka, Ginang Do. Nasaan ang iyong anak na si Heneral Do Kyungsoo at ang tagapag-silbing si Song Dara?! Hindi mo ba nalalaman na isang pagtataksila sa bayan ang ginawang pagtalikod ng iyong anak sa panahon na kailangang-kailangan siya ng buong kaharian?!"
Impit na tinitiis ang dinadanas na sakit na sumagot si Ginang Do, "K----Kung na----nasaan ma--man na--naroroon ang a---aking anak, na---ti---tiyak ko na pa---para sa ika---kabuti ng kaharian ang ka---kanyang ginagawa."
Natigilan na lamang at napuno ng takot ang Punong Ministro nang lakas-loob nag-angat ng ulo si Ginang Do at ngumisi sa direksyon ng Punong Ministro.
BINABASA MO ANG
Reply 1687 [A ChanDara FanFic]
FanfictionMahanap nga kaya ni Song Dara ang hinihintay na sagot sa pagmamahal niya ni Prinsipe ChanHyun? Kahit na halos 1000 years na ang lumipas?! Paano pa kung makilala niya ang tila "reincarnation" nitong si Park Chanyeol? Magulo na nga, mas gugulo pa! Ida...