xiii.

459 23 6
                                    

TRIGGER ALERT!
Warning if there are any anti-BaekYeon (BaekhyunxTaeyeon) fans here. Some fictional scenes or narration may trigger your---anger? wrath?---Haha! Kalma, guys~ jebaaalll~ may I just remind again, FAN FICTION PO ITO. fictional, 'kay? Chill.
------

 ------

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

xiii.


SONG DARA


"ANNYEONG DARA-AH!"

"GI----GINOONG BAEKHYUN!"gulat na bulalas ko nang batiin ako ngayong umaga ni Ginoong Baekhyun. Naging abala kasi ako ngayon sa pagtulong kay JiHyun halmeoni sa pagluluto ng agahan at ng babaunin para sa akin, kay Ginoong JiSub, sa buong EXO maging para kina Kyungsoo at Jungkook kung kaya't hindi ko na napansin pa ang pagdating nito.

Ngayon kasi ang nakatakda naming pag-alis mula dito sa tahanan ni halmeoni at ang pagbalik ng EXO sa kapital na Hanyang o mas kilala na ngayon sa panahong ito sa tawag na "Seoul". Kaya naman napagpasyahan namin na maghanda ng aming kakainin para sa aking inaasahang mahabang paglalakbay.

"Eto naman, maka-ginoo! Pakiramdam ko tuloy ang tanda ko na masyado! Baekhyun na lang o kaya Baek!"

"Ah, si----sige, Baek."nahihiyang tugon ko.

"Teka nga, Dara! Matanong nga lang kita. Hindi ka ba naiinitan diyan sa suot mo? Lagi ka na lang naka-hanbok! Ayaw mo bang mag-suot man lang ng sa katulad samin?"

Kunot noong napabaling ako dito, "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Heto!"sabay hawak sa may laylayan ng suot kong hanbok, "Alam mo kasi, Dara-ah, iba na ngayon ang kasuotan ng mga tao sa Seoul. You know, medyo makabago na. Katulad nitong mga suot namin. Kaya kung sasama ka samin pabalik ng Seoul, baka ma-weirduhan yung mga tao na may nadala yata kaming cast mula sa historical drama ko!"

"H---Huh?!"naguguluhan pa ding tugon ko. Sa totoo lang, wala akong ni isang salitang naintindihan mula dito. Ang tanging naintindihan ko lamang ay iyong posibilidad na baka maibahan ang mga tao sa aking kasuotan.

Ganoon na nga ba talaga kalaki ang pinagbago ng Hanyang?!

Balewalang iwinagayway lang nito ang kamay niya, "Aish! Huwag mo nga lang muna intindihin. Basta, akong bahala sayo! Tutulungan kita kung paano ang tinatawag kong 'Seoul Life'! Pambawi ko man lang kay Yoda sa pagtulong niya sakin na makipagbati noon kay jagi ko~"

"Mawalang galang lamang, Baek, pero ang taong iyong tinutukoy na tinawag mong Yoda ay si Ginoong Chanyeol?"

Tumango ito, "Hmmhmm! Pang-asar ko lang yun, laki kasi ng tenga, di ba?"impit na natawa na lang ako, "Pero may utang pa nga kasi ako sa tengang iyon. Siya kasi ang dahilan kung bakit matatag pa din kami ni jagi hanggang ngayon."

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

Nakangiting nagsalaysay ito, "Bilang mga kpop idols kasi o sa salitang mas maiintindihan mo, mga taong sikat kumbaga, ang buong buhay namin naging parte na ng publiko. Na bawat galaw, kasuotan, desisyon, bawat salita, o maging kahit yung simpleng opinyon namin, tinitignan ng mga tao---hinuhusgahan. Isang mali lang na galaw o salita mula samin, nahuhusgahan na agad. Wala din kaming kalayaan na gawin kung ano iyong gusto namin,yung bagay na makakapagpasaya samin."

Reply 1687 [A ChanDara FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon