x.

551 20 5
                                    

A/N: Isa pang dedication to her! Haha, flood dedics to thank you sa pagsuporta dito sa REPLY 1687 and LWTG and TGD na din pala. Thank you very much!
#BelatedHappyChanyeolDay
Kissing scene? Bed scene? On-screen lang naman, mas nababahala ako sa TUNAY na bed scene namin sa off- screen. Haha! Aigoo~ Delulu mode~
-----

 Haha! Aigoo~ Delulu mode~-----

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

x.

SONG DARA

"Halmeoni, ano po ba talaga ang okasyon ngayon at mukhang abala po ang lahat?"nagtatakang tanong ko kay JiHyun halmeoni.

Halos kakasikat pa lamang kasi ng Amang Araw sa bukang-liwayway nang sinabihan ako ni halmeoni na mag-ayos para sa isang malaking pagdiriwang na inihanda daw nina Chanyeol at ng buong EXO. Hindi naman idinetalye sakin ni halmeoni kung para saan ang naturang okasyon. Ang tanging sinabi lamang nito, isang mahalaang pagdiriwang ito na lubhang ikakatuwa ko.

Ngumiti lamang si JiHyun halmeoni habang tinutulungan akong magbihis ng aking panloob na damit, "Paumanhin, hija, ngunit hindi ko maaaring sabihin sayo. Basta isa lamang ang masisiguro ko, lubhang pinaghandaan ng lahat lalo na ni Chanyeol ang pagdiriwang na ito kaya tiyak na ikakatuwa mo."

"Ga---ganun po ba? Kung gayun po, ngayon pa lamang ay nagpapasalamat na ako."saka ako nagyuko ng ulo dito bilang tanda ng aking pasasalamat.

Umiling ito at marahang tumawa, "Dara, kung may nararapat kang pasalamatan, hindi ako iyon kundi ang EXO lalo na si Chanyeol. Ang batang iyon ang siyang talagang naging punong abala sa pagdiriwang na ito kaya sana lang ang hiling ko ay maging masaya ka sa araw na ito."

"Maaasahan niyo po, halmeoni!"

"O siya, hija. Magpahinga ka na muna saglit diyan at lalabas lamang ako para tumulong sa iba pang gawain at para na rin makapaghanda. Ilang saglit lamang ay may ilang mga kababaihang papasok dito upang tulungan ka sa iyong pag-aayos."

"Po?! Talaga po bang kailangan pa akong tulungan? Makakaya ko na po---"

Umiling si halmeoni, "Sabi ko nga sayo,Dara, hinding-hindi mo makakalimutan ang araw na ito."makahulugang ngumiti lamang si halmeoni saka lumabas na ng aking silid.

Malalim na napabuntong-hininga na lamang ako. Ano nga kaya talaga ang okasyon na ipinagdiriwang ngayon na lubos na naging abala sina Chanyeol at ang iba pa? Pinagbabawalan din naman kasi ako ng mga ito na lumabas sa aking silid sa hindi nila ipinapaliwanag na dahilan. Nais ko pa naman sanang makausap si Kyungsoo.

Hindi ko mapigilang malungkot sa aking sarili sa nagawa kong pag-sampal kay Kyungsoo nang nakaraang gabi. Hindi ko iyon sinasadya at nais kong humingi ng tawad sa aking matalik na kaibigan. Nagawa ko lamang iyon dahil sa mga salitang namutawi sa kanyang mga labi sa aming pag-uusap.

Paanong naisip ni Kyungsoo na binubuhay ko ang mga alaala ni Prinsipe ChanHyun kay Chanyeol gayung malinaw pa sa asul na kulay ng karagatan sa akin ang lubos nilang pagkakaiba?

Reply 1687 [A ChanDara FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon