xxii.
[YEAR 2015]
-SOUTH KOREA NATIONAL MUSEUM-
Seoul, South Korea
SONG DARA
Halos hindi makapaniwalang napatingin ako sa limang itim na mangkukulam na nasa harapan namin ngayon. Hindi ko lubos akalain na magtatagpo ang landas namin ng mga ito pero heto ngayon, nasa harap namin sila at ang malala pa ay bihag nila ang mga kaibigan namin.
"Pakawalan niyo ang mga kaibigan namin!"
Ngunit binalewala ng mga ito ang sigaw ko at matitining na tawa lamang ang isinagot nila samin. Isa sa mga ito na nakasuot ng tila malaking sumbrero ang halos lumapit sa kinatatayuan ko, "At sino ka sa tingin mo para utusan kami gayung isa ka lang namang hamak na alipin?!"
"Ano bang kailangan niyo samin, huh?!" sigaw na tanong sa mga ito ni Chanyeol.
Agad na sinukob ako ng takot nang lapitan ito ng isa sa mga itim na mangkukulam. Hindi pa nakuntento ito at hinaplos pa nito ang mukha ni Chanyeol habang tila mariin nitong pinag-aaralan ang mukha ng mahal ko. Bakas sa mga mata nito ang galit at isang emosyong hindi ko magawang basahin kung ano.
"CHANYEOL!"nais kong lumapit dito ngunit napapalibutan ako ng isang mahiwagang engkantasyon na siyang dahilan upang tila manigas ako sa aking kinatatayuan.
"Dara ko, diyan ka lang! Wag kang-mag-alala, kaya ko ang sarili ko!"
Puno ng pangiinis na pumapalakpak naman ang isa sa mga itim na mangkukulam, "Awww, naiiyak naman ako sa pagmamahalan niyo pero sisiguruhin naming hindi na magtatagal iyan! At ikaw, binata!" sabay turo nito kay Chanyeol, "hindi namin akalain na hanggang sa panahong ito ay makakadaupang-palad namin ang iyong dugo at salin-lahi, Prinsipe ChanHyun."
Kunot-noong napabaling ako sa mangkukulam, "Anong ibig niyong sabihin?! Wag niyong idamay ang ngalan ng mahal na Prinsipe dito!"galit na sigaw ko.
Napa-asik ang isa sa mga ito, "Tsk, tsk, tsk! Isa kang hangal, alipin! Isa kang napakalaking hangal! Kaytagal mo nang nakakasama ang binatang ito ngunit hindi mo pa din ba napapansin? Hindi mo pa din ba alam na ang binatang iyan ang reinkarnasyon ng minamahal mong Prinsipe sa panahong ito?!"
BINABASA MO ANG
Reply 1687 [A ChanDara FanFic]
FanfictionMahanap nga kaya ni Song Dara ang hinihintay na sagot sa pagmamahal niya ni Prinsipe ChanHyun? Kahit na halos 1000 years na ang lumipas?! Paano pa kung makilala niya ang tila "reincarnation" nitong si Park Chanyeol? Magulo na nga, mas gugulo pa! Ida...