ix.

556 17 6
                                    

ix

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ix.

PARK CHANYEOL

"Nag-alala talaga kami ng sobra para sayo,Dara noona! Lalo na itong si Heneral! Alam mo bang halos hindi na makatulog at makakain ng ayos si Heneral sa pag-aalala para sayo?!"dinig kong pagkukwento ni Jungkook kay Dara.

Nandito kaming lahat ngayon sa sala habang pinapanood sa sarili nilang mundo sina Dara, Jungkook at Kyungsoo. Halata ang sobrang pagkatuwa kay Dara nang makita yung dalawa. Ni hindi na nga kami napapansin dito. Tss, kala mo naman kung ilang dekadang hindi nagkita eh halos wala pa ngang isang buwan na nakilala namin si Dara.

Namumulang sinamaan naman ng tingin ni Kyungsoo si Jungkook, "Jungkook, tumigil ka nga sa mga kasinungalingan mo!"

"Naku naman, nahiya ka pa, Heneral! Eh sa tahanan nga natin, hindi ka nahihiyang yakapin yung unan ni Dara noona sa sobrang pangungulila mo!"

"JUNGKOOK!"saway ni Kyungsoo na mas lalong ikinapula nito.

Hindi ko naman napigilang mapakuyom ang kamao nang makitang malawak at matamis na nakangiting binalingan ni Dara si Kyungsoo.

"Ganun nga ba talaga kita lubhang pinag-alala, Kyungsoo?"

May halong pagka-inis na mapabuga na lang ako ng hangin nang nanlalaki ang mga mata at namumulang bumaling si Kyungsoo kay Dara. Sinamaan lang ako ng tingin ni Kai na nasa tabi ko.

Tss! Isa pa ito, eh!

"Huwa---Huwag kang mani---maniwala diyan, Dara! Alam mo mamang sadyang mahilig lang magbiro ng batang yan!"nauutal na sabi ni Kyungsoo.

At ito namang uling na tinubuan ng tao sa tabi ko, daig pa ang fanboy sa lawak ng ngiti habang nakatitug kay Kyungsoo. So, ganyanan, Idol?! Dumating lang yung crush mo, nakalimutan ko na din akong fanboy mo?! Aish!

"Hayyy, ang cute-cute niya talaga noh, Chanyeol hyung?"mukhang timang na sabi nito.

Napapalatak ako, "Cute?! Ano yan, tuta?! Mas cute pa din si Baek diyan! Saka nasan' ang cute diyan? Ang laki-laki ng mata,mukhang kwago!"

Natigilan na lang ako nang bigla na lang sumeryoso yung aura ni Kai saka halos patayin na ako sa titig, "Hyung, isa pang pang-iinsulto mo kay Kyungsoo, ako na ang makakalaban mo!"

"Sabihin mo, inlove ka lang!"

"Bakit ikaw ba hindi kay Dara noona?!"

"Bakit may sinabi ba ko?!"ganting sagot ko pero mukhang nagkamali naman ako ng sagot dahil mas lalong lumawak pa ang pagkakangisi nito.

"Tsk! Sabi na eh! Aminin mo na lang hyung na nagseselos ka kay Kyungsoo..."pang-aasar nito.

Malalim na napabuntong-hininga na lang ako. Nagseselos? Tss, napakababaw pa ng salitang yan para ilarawan kung anong nararamdaman ko ngayon. Imbes na nagseselos, mas ayos pa siguro yung naiingit.

Reply 1687 [A ChanDara FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon