xiv.

370 15 5
                                    

xiv

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

xiv.


SONG DARA


Nananatiling tahimik lamang na pinagmamasdan ko si Ginoong Chanyeol habang masayang nakikipagtawanan sa may tanggapan ng kanilang tahanan o "living room" daw kung tawagin ayon kay Baekhyun sa dalagang tinawag nito na Ga Young. At gaano ko man itanggi sa aking sarili o hindi, may kung anong kirot akong nararamdaman sa aking dibdib habang pinagmamasdan ang masasayang ngiti at tawa ng Ginoo habang kausap nito ang dalaga.

"Dara noona, gwenchanayo?"

"H---huh?"gulat na baling ko kay Jungkook. Agad na kumunot na lamang ang aking noo nang mapansin na halos lahat pala ng mga kasama namin dito sa hapag-kainan ay nakabaling ang atensyon sakin.

"Ang sabi ni Jungkook, kung ayos ka lang daw ba. Pagkababa pa lang kasi natin sa sasakyan, kanina ka pang tulala. Teka, napagod ka ba sa biyahe? Baka gusto mong magpahinga na muna?"suhetiyon ni Suho.

Umiling ako, "Aniyo, aniyo. Ne, gwenchana. Naninibago lang siguro sa lugar pero huwag niyo akong alalahanin. Ayos lang ako."

"Mabuti naman. Sige na, inumin mo na yang tsaa mo. Espesyal na gawa yan ni Xing-xing. Makakatulong yan sayo."

Nakangiting tumango na lamang ako kay Suho saka itinuloy ang pag-inom sa tsaa na inalok ng mga ito. Gayunpaman, hindi ko pa din maiwas ang tingin ko sa direksyon nina Ginoong Chanyeol at ng dalaang kausap nito.

"Hmmm, bakit nga kaya biglang nagpunta dito yang si Ga Young noh?"

Sabay-sabay na napabaling ang tingin naming lahat kay Kris na nakabaling din ang atensyon kina Ginoong Chanyeol.

Tumango ang kasintahan nitong si Tao, "Ne, ne, gege! Nakakapagtaka nga na bigla na lang siyang sumulpot ng walang pasabi. Matagal na silang hiwalay ni Yeol di ba?"

"Mawalang-galang lamang sa inyo ngunit tila hindi kami nakakasunod sa inyong pinag-uusapan. Maaari niyo bang sabihin samin kung sino man ang dalagang kausap ngayon ni Chanyeol at ano ang ugnayan niya dito?"tanong na ni Kyungsoo.

Si Kai na ang sumagot, "Kyungsoo hyung, yung babaing kausap ngayon ni Chanyeol ay si Moon Ga Young. Katulad din namin siya na idol o artista. Malapit na kaibigan namin siyang lahat at----uhmmm, ex----ex-girlfriend siya ni Yeol."

"Ex-girlfriend?"kunot noo na tanong ko.

Tumango si Baekhyun, "Ne. Hindi ba naituro ko na sayo, Dara, na ang ibig-sabihin ng girlfriend ay babaing kasintahan?"

Tumango ako.

"Ang ex-girlfriend naman ay dating babaing kasintahan. Ibig-sabihin, nakalipas na,tapos na ang lahat ng namamagitan sa kanila. Sa madaling sabihin eh, DATING KASINTAHAN."

Napatango na lamang ako saka muling bumaling sa direksyon ni Ginoong Chanyeol. Kung gayun, may pag-iibigang namagitan sa pagitan nito at ng dalagang kausap nito. Dati ay minahal siya nito at minahal niya din ito. Muling sumibol ang kakaibang kirot at pangamba sa aking dibdib.

Reply 1687 [A ChanDara FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon