iii.

699 36 5
                                    

iii

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

iii.

SONG DARA

"AHEM, AHEM! Mawalang-galang lang sayo,hija, ngunit ang lalaking kayakap mo ng mga oras na ito ay hindi ang iyong pinakamamahal na Prinsipe ChanHyun."

Agad na nanlaki ang mga mata ko sa binigkas ng matandang babae na kasalukuyang kasama namin ngayon. Agad naman akong napahiwalay ng yakap at tinitigan ng mabuti ang lalaking kayakap ko ngayon.

Tila nga ba may kakaiba kay Prinsipe ChanHyun. Kamukhang-kamukha niya ang lalaking nasa harap ko ngunit tila ba mas higit na maamo ang mga mata nito kaysa sa mahal na Prinsipe. Maikli din lamang ang itim na buhok nito at makabago ang kanyang mga suotin. Ngunit bukod doon ay halos wala na silang pagkakaiba ng minamahal kong Prinsipe.

"Ah...eh....uhmmmm, annyeong?"tila naguguluhang bati nito. At sa uri ng kanyang pananalita saka ko nakumpirma na hindi nga siya ang mahal kong Prinsipe.

Naiilang na lumayo ako sa binata saka agad na yumuko upang humingi ng tawad sa kapangahasan na aking ginawa, "Humihingi ako ng pat---patawad sa aking nagawang ka---kapangahasan. Paumanhin, ginoo."nahihiyang saad ko.

"Huh?! Ahhhh, uhmmm---aniyo! O---okay lang naman. Sige na, tumayo ka na."

Nagtaas naman ako ng ulo saka nakangiting bunaling sa ginoong halos may kaparehong mukha sa aking Prinsipe ChanHyun, "Maraming salamat, ginoo."

"O---okay lang..."

Napabaling ako sa paligid, "Mawalang-galang lang po, maaari ko po bang malaman kung nasaang lugar ako naroroon ngayon?"buong paggalang na tanong ko sa matandang kasama ko ngayon.

Bukod sa matanda at sa ginoong may kaparehong mukha ng sa prinsipe, 9 pang kalalakihan na may mga makabagong suotin ang kasama ko kaya nga natitiyak ko na nasa panahon na ako kung saan ilang dekadang taon na ang nakalilipas.

"Naririto ka ngayon sa aking tirahan, hija. Ako nga pala si Byun JiHyun at ang mga lalaking kasama natin ay ang mga kamiyembro ng aking apo sa grupo na tinatawag na EXO."pagpapakilala ng matanda.

"E---Ek--so? Ekso? Ano pong klase ng grupo iyon? Tawag po ba iyon sa isang batalyon ng mga militar na pandirigma ng hari?"

"Pfffftttt-----"

Nagtatakang napalingon ako sa lalaking singkit ang mata at may malokong ngiti. Sinamaan ito ng tingin ng iba pa nitong kasama.

"Pffftttt---Mi--mianhae! Nakakatawa naman kasi eh! Ano daw?! Batayon ng militar na pandirigma?! Pfffttt----haha! Joke time pala ito eh!"tuwangtuwang sabi niya nang---

*BOOGSH!*

"ARAY NAMAN UMIN KO!"

Nanlaki na lamang ang mga mata ko nang bigla siyang hampasin sa ulo ng katabi nitong ginoo na may matatambok na pisngi, "Tumigil ka nga, Chen-Chen. Laki mong panggulo eh!"

Reply 1687 [A ChanDara FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon