v.

605 23 4
                                    

v

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

v.

[JOSEON ERA- YEAR 1687]

-SA KWEBA NG ANIM NA PUTING MANGKUKULAM-

DO KYUNGSOO

"Maari bang paki-intindi ulit sakin kung bakit kailangan niyong idamay si Dara sa gulong ito?!"pigil ang inis na hinayaan kong muling makapagpaliwanag yung anim na mangkukulam.

Matapos kunin si Dara ng mahiwagang hipo-hipo, hinayaan kong dalhin ako ng mga ito sa kanilang tahanan upang magpaliwanag. Ayon sa mga ito, pumayag daw si Dara na hanapin ang sulat ng mahal na Prinsipe ChanHyun sa ibang mundo. Ang sulat na iyon lamang daw ang susi upang mailigtas ang buong kaharian laban sa mga itim na mangkukulam na ginagamit ng mga kalaban ng gobyerno.

"Ilang beses ba namin kailangang ulitin, Heneral Do, na tanging si Dara lang ang mapagkakatiwalaan namin na humanap ng sulat? Hindi pa kami nakakasiguro kung anong klase ng mahika ang ginamit ng mga itim na mangkukulam sa sulat ngunit isang bagay lang ang panatag kami, ang sulat lamang na iyon ang makakapag-ligtas sa buong kaharian."paliwanag ng pinuno ng lima na si Chorong.

Mariing ipinikit ko ang aking mga mata habang pilit na ikinakalma ang aking sarili. Kung iisipin, bakit ko pa nga ba hinahayaan ang sarili kong pakinggan ang mga mangkukulam na ito? Unang-una ay lumalabag ako sa kautusan ng palasyo na magkaroon ng kaugnayan sa mga nilalang na gumagamit ng mahika at pangalawa, kahit kailan naman ay hindi ako naniwala sa mga kababalaghang bagay.

Ngunit nang mahiwagang kuhanin ng hipo-hipo si Dara na nakita mismo ng sarili kong mga mata, hindi ko na magawang hindi na maniwala pa sa kapangyarihan at kababalaghang nababalot sa limang mangkukulam sa harap ko.

Kung tunay nga ang kanilang mga sinambit---at lubos akong umaasa na tunay nga---hindi na nakakapagtaka na walang paga-alinlangan nga iyong gagawin ni Dara. Ngunit ang ikinababahala ko, paano siya mabubuhay sa mundong iyon?! Paano kung may masasamang loob ang makatagpo sa kanya? Paano niya mapoprotektahan ang kanyang sarili?

Nang tuluyan ko nang nakalma ang aking sarili, seryosong bumaling ako sa mga ito, "Sige, gaano mang tila isang hindi makatotohanang istorya ang inyong binabanggit, naniniwala ako sa inyo..."

"Heneral Do!"masayang sambit ng mga ito.

"Ngunit nais kong sagutin ninyo ang tanong ko. Gaano kayo nakakasiguro sa kaligtasan ni Dara ng mga oras na ito? At ano ba ang nararapat na nangyari ilang buwan na ang nakakaraan?"

Malalim na bumuntong-hininga si Eunji bago sumagot, "Patawad, Heneral Do. Ngunit hindi na saklaw ng aming kapangyarihan ang sabihin sayo ang nararapat na nangyari ilang buwan na ang nakalipas. Humihina na ang aming kapangyarihan dahil sa ito ay resulta ng pagpaparusa ng Inang Kalikasan sa kapangahasan ng mga itim na mangkukulam. Sa oras na sabihin namin sayo ang aming nakita, maaaring tuluyan na niyang bawiin samin ang aming natitirang lakas at mahika."

"Isa lamang ang maari naming sabihin..."singit ni Bomi, "Hindi dapat nakitil ang buhay ng mahal na prinsipe ng araw na iyon."

Sa sinabing iyon ni Bomi ay lubos akong nakasiguro na hindi nga talaga magda-dalawang isip si Dara na gawin ang misyon. Alang-alang sa mahal na prinsipe. Alang-alang kay Prinsipe ChanHyun...

Reply 1687 [A ChanDara FanFic]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon