Chapter XLV [It's your choice]

50.5K 1K 182
                                    

"Mei, that's IMPOSSIBLE."

Talo ko pa ang babaeng hinubaran sa harap ng madaming tao sa kahihiyang bumalot sa buong pagkatao ko. Ang masakit pa, yung taong inaasahan mong magiging masaya sa balita mo syang mismong nagsabi ng mga salitang yun. 

Kahit yung tapang ko kanina... winalis ng mga salitang binitawan nya. Naging WEAK ako bigla eh, ang shunga lang... kaso ansakit lang talaga kasi na parang kahit anong simple ng sinabi nya, talo pa nito ang sakit na mararamdaman ko sa isang totoong physical injury.

Simple lang naman sabihin ang salitang AYOKO. Simple lang naman sabihin na DI NYA TANGGAP. Simple lang naman sabihin ang mga salitang "DI KITA KAYANG PANAGUTAN".

Subalit, bakit kelangan pa nyang sabihin na imposible... na imposibleng anak nya ang nasa sinapupunan ko ngayon? What does he mean by that? Na iba ang ama nitong bata?

"Panong--? We kissed. Iba na suot ko pagkagising ko and you were no where to be found. Nagsuka ako the day after. Teka-- Ayaw mo lang talaga sa kanya?" Maluha luha kong tanong sa kanya.

Ugh. I never cried in front of anybody except him. Lagi nalang sa harap nya, and what's worst? Laging dahil sa kanya.

"Mei, that is not what I--"

"I knew it. Your Daddy doesn't want you. Okay lang naman yun baby dba?" Pinigilan kong pumatak ang mga luha ko habang hinimas himas ang tyan ko.

I don't fcking understand. Pakiramdam ko di lang yung anak ko ang ni-reject nya, kundi pati ako.

Bumabalik uli yung sakit na naramdaman ko nang malaman kong ampon lang ako-- na kaya pala di kami close ni Kuya, na kaya pala di nya ako prinoprotektahan tulad ng ginagawa ng ibang kuya sa mga kapatid nila, na kaya pala kahit anong gawin kong pagbibigay alibi tama pa rin ang mga kaklase ko sa twing sinasabi nila na wala akong kamukha kahit isa sa mga magulang ko.

Binaon ko na yun sa limot lahat eh, kaso bakit ganun? They're coming back to me again.

He made a one step forward towards me.

But I made a one step backward away from him.

"Listen--"

Nagawa kong ngitian sya, at nag-thumbs up. "You don't have to make excuses. I understand. Syempre may priorites ka tulad ko. Okay lang. Hindi ko sya ipagpipilitan sayo. Sige, ingat ka nalang sa pag-alis mo."

 

<A/N: PLAY THE SONG SA GILID.>

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon