Chapter XIII [Who's that girl?]

74.1K 1.2K 65
                                        

Anobayan =________=

"San yung tubig nyo?" nadinig kong tanong nang bigla syang sumulpot.

"Nasa banyo" sagot ko agad na di sya tinitignan.

"Pang inom na tubig"

"Andun nga sa banyo." Humarap na ako sa kanya at sinadya kong winisik ang mga basa kong kamay sa harap nya.

Katatapos ko lang kasing hugasan ang pinagkainan ... NILA!

Punyeta -____- Ano akala nila sakin? YAYA nila??

"Hindi ako nagbibiro Miss." seryoso nyang sabi habang tinatanaw ang kabuan ng kusina. 

"Hindi rin ako nagbibiro. May tubig naman dun sa banyo ah! Inumin mo yung nasa inidoro!" Winisik ko ulit ang kamay ko sa harap nya.

Tinalikuran ko na sya para makaalis na sa masalimoot na kusina pero hindi pa nga ako nakakadalawang hakbang, nahawakan nya ako sa braso at nahigit kaya napaharap ulit ako sa kanya.

"Ano ba problema mo?" asar nyang tanong habang pinupunasan ng free hand nya ang mukha nyang natalsikan ng tubig.

"KAYO." simpleng sagot ko pero di ko inaksaya ang enerhiya ko para makawala. Baka higpitan na naman nya yung hawak nya eh. Bading pa naman to, pumapatol ng babae! 

"Kami? Wala kaya kaming ginagawa sayo" pa inosente pa nyang sagot. Leche!

"Wala? Eh ginagawa nyo ng tambayan ang bahay namin eh! Wala ba kayong bahay at kulang na lang dito kayo tumira?!"

San ba kase mga magulang nito?! Bakit parang bubuyog naman ata tong mga anak nila... kahit saan nalang pumupunta! >:((

Binitiwan nya ako at akala ko makakaalis na ako, pero bigla nya akong hinawakan pero sa kamay sa pagkakataong to, saka hinila...

PAPALABAS?! O_____________O

"HOOOOOOOY!!!" Ang lakas nya kaya di ko kinayang kumawala. >.< Kahit anong gawin kong pagpupumiglas, di ko magawa eh!

"Jasper! San kayo?" narinig ko pang tanong ni Kuya sa KAPRE.

"Magde-date lang kami nitong kapatid mo!" 

 Oo K--

HANUDAW?! O_________________________O

"ANONG DATE PINAGSASABI MO?!" pasigaw kong tanong sa kanya kaya napatigil sya, kaya natigil din ako. Buti nalang, andito pa kami sa labas ng bahay. 

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon