Chapter XXXVIII [Sya?]

56.1K 1K 122
                                        

XAVIER's POV



"Mom, Dad... she's in comatose and they don't have any idea when will she regain her consciousness back."    

Lahat ng lakas ko parang biglang inihip at tinangay ng hangin ... nang ang mga katagang yan pa ang mismong bumungad sakin.   

Hanggang ngayon, nakatitig lang ako sa pintuan ng kwarto nya. Bakit? Simple lang. Hindi ko alam ang gagawin... kung papasok ba ako o hindi. But if I do come in... I hope I'll see her smiling and surprise me that everything that happened just now was just an act. Na sana kakuntsaba lang nya yung Kuya nya, yung mga Nurse, pati na yung Doctor.   

Pero, pano kung hindi? Pano kung totoong naaksidente sya at totoong nasa comatose sya ngayon? Pano kung tulad ng sabi ng Kuya nya, walang nakakaalam kung kailan sya uli magigising? At paano pag di na sya magising? ... Pano ako?   

Hinawakan ko ang tangan ng pinto at saka ito inikot.  


"Mom, Dad... she's in comatose and they don't have any idea when will she regain her consciousness back."    

Halos di ko maigalaw ang mga paa ko nang makita syang nakaratay sa kama. Kita ko ang benda sa ulo nya pati na sa kanang paa nya. "M--ei..." Halos pabulong kong tawag sa kanya saka ako umupo sa upuang nasa tabi ng hinihigaan nya. Kahit may konting parte ko na umaasang sana di totoo lahat ng to, nanginginig pa rin ako habang pinagmamasdan ang kalagayan nya. "E--nough of this drama." lakas loob kong sabi ng nakayuko. "Gumising ka na at aalis na tayo. You invited me to have a date then you're pretending to meet an accident? This isn't a good joke."  

I sound harsh talking that way to someone in this condition ... but what if, everything that's happening now is just part of her plan? I know her, and she's capable of doing this.  

Hinawakan ko ang kamay nya, mahigpit na mahigpit. Why can't she just wake up and see how much worried I am? Di pa ba sapat na pinakaba nya ako at sa sobrang pagmamadali ko papunta dito, muntikan pa akong maaksidente? "Idilat mo na yang mga mata mo. Promise, di ako magagalit sayo. Just wake up... and we'll have our date."  

Kahit isang kurap lang ng mata nya... kahit yun lang para malaman ko kung may malay sya pero, wala. "Kanina ka pa dyan. Di ka ba napapagod? Ayaw mo bang lumabas kasama ko? Gusto mo ba iba ang ka-date ko ngayon? May regalo pa naman ako sayo. Gusto mo bang sa iba ko to ibigay?" Pahina ng pahina ang boses sa bawat katagang sinasambit ko. Parang dahan dahang nawawalan ako ng boses.  

I was really expecting a response from her... but there was no single movement that can be noticed. Doon, ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko. Iniangat ko ang kamay ko, at dahan dahang hinaplos ang mukha nya.   

"Mei..." Bakit ba ang bigat sa pakiramdam bigkasin ng pangalan nya ngayon? "Alam mo bang ayokong maniwala na naaksidente ka? Pakulo mo lang to, right?" Nagmumukha na akong tanga di lang dahil sa pakikipag-usap sa kanya kundi sa pagpupumilit sa sarili ko na may malay sya, na sa sobrang galing nya sa pag acting... parang wala talaga syang malay.  

"Mei... you're already making me talk too much which I don't normally do. Pero bat ayaw mo pa ring gumising?" Sinalat ko ang nakasara nyang mga mata. Pwede bang idilat mo na Mei?  

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon