SPECIAL CHAPTER

54.8K 1.1K 213
                                        

A/N: Play the song sa gilid for BG music :))

**

“Xavier ko sorry na!!! Hintayin mo ko!” Hinihingal na ako sa kakatakbo pero sumigaw pa rin ako. “Xavier ko!”

Alam kong naiinis sya. Sino bang hindi? T@nga ko din kasi eh! >_< Napahaba chikahan ko kay Alvin, isa sa mga kaibigan ko na nagtatrabaho sa isang boutique sa Mall. Ayaw na ayaw pa naman ni Xavier sa kanya for a reason na hindi ko din alam kung ano.

Kaya nang malaman nyang kasama ko lang pala si Alvin, ayon nagwalk-out. Basta iniwan nya ako kahit di pa kami natatapos mamasyal! Huhu! T^T  

"Xavier ko wait lang!" Binilisan ko ang pagtakbo ko na para na akong nasa marathon kahit na hapong hapo na ako. Di ko din sya masisisi, ang g@ga ko kasi!

Nabuhayan naman ako ng loob nang mapansing binagalan nya ang paglalakad nya. Shet, di talaga ako matitiis ng Xavier ko :”) “Malapit na ak—WAAAAH!”

Aray! Pvcha, ang malas ko naman yata ngayon?! Iniangat ko ang ulo kong nakipag-face-to-face na sa lupa. Pinahid ko pa ang labi kong humalik na din dito. Ewe!

“Hala, okay ka lang Miss?” Oo Kuya, okay lang ako -_-

“Nako si Ate! Nadapa!” Ay hindi, lumangoy ako. May tubig ba ‘to?

Nasaktan ba sya?” Hindi! Tengene! Nakahiga pa ba ako kung di ako nasaktan?! G@go din ‘tong mga ‘to o!

Pinilit kong tumayo nang may humawak sa kamay ko. “Bakit ka ba tumakbo? Ayan, nasaktan ka tuloy!” Matigas nyang sabi pero kasalungat ng tono ng boses nya ay ang dahan-dahan nyang pagtulong sakin para makatayo.

With that, I unconsciously smiled while looking at him… dahilan para magtagpo ang dulo ng mga kilay nya. “There’s nothing funny Mei. Nasaktan ka na nga.”

Ngumiti ako lalo—ngiting abot tenga sabay ng pagliit ng mga mata ko. “Xavier, did you see how I fell for you?

Namilog naman ang mata nya, halatang di ini-expect ang sinabi ko. Umubo sya at iniwas ang tingin nya sakin. But to tell you the truth, para syang nagblush on sa pamumulang namumuo sa pisngi nya. Hihihi. Sarap kurutin :”)

Inalalayan nya akong tumayo at lumuhod para takpan ang sugat na natamo ko sa pagkakadapa.

“Ang sweet! Ganyanin mo naman ako kung minsan honey.” Narinig kong daldal ng isang babae na nanonood samin.

Ngiting-ngiti naman ako habang pinagmamasdan si Xavier na inaayos ang panyo nya sa tuhod ko. Matapos ay tumalikod na sya. Maglalakad na sana ako nang lumuhod sya sabay sabing, “Sumampa ka nang mabilis tayong makauwi.”

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon