"Ang laki." Umikot pa ako sa harap ng salamin habang nakahawak sa dulo ng malaking tshirt ni Xavier. Nabasa kasi ako kanina sa ulan kaya eto, pinahiram nya muna ako. May shorts naman ako since may naiwan daw si Xyla :)"Peste lang talaga tong mga mata ko." I cussed again. Tapos isinuot kong muli ang shades ko kahit nasa loob ako ng bahay ni Xavier.
=____________= I know. Mukha akong baliw sa get up ko ngayon. Pero alangan namang ipakita ko sa kanya tong itsura ko? Ano nalang isasagot ko sa mga tanong nya? Psh
Lumabas na ako ng kwarto, which serves as their guest room, at saka dumiretso sa baba kung san ko huling nakita si Xavier.
Sa totoo lang ayoko sanang makitulog dito ngayon. Kung di lang talaga sana umulan, at di naiwan dun kay kapre yung susi... Haaaaaaaaaaaaayssst.
*sniff sniff*
Mmmm...
Amoy noodles.
Tumungo ako ng kusina nang hindi ko sya makita sa sala.At sakto naman ako kasi andun nga sya... seryosong nagluluto.
>____> Marunong syang magluto, de pwede na silang ikasal nung Eunice! Wala ng pro-problemahin yung babaeng yun pag sila ang nagkatuluyan ni Xavier.
Sa part ko naman, malas. =__= Eh sa di ako marunong magluto eh. Kahit nga magsaing, hindi eh! Malas kung sino mang maikakasal sa akin, kung meron man.
Npasinghap nalang ako habang nakatitig sa likuran nya.
Peste talaga! Bakit ba minalas malas ako ngayon?! Kung kelan ayoko munang lumapit sa kanya dahil sa ginawa nyang pagtapak ng ego ko... dyan pa sisingit si MALAS. Bwiset. >__< Ansarap isigaw eh! Bakit ko kasi inihabilin dun kay Kapre yung susi?? Yan tuloy.
Tumalikod na ako nang bigla ko syang marinig na magsalita, "Tapos na ako. Maupo ka nalang muna doon sa dining area."
Tumango lang ako bilang sagot at hindi ko na inaksaya ang oras ko para tignan sya. Dumiretso na ako sa hapag kainan at maya maya nyan eh sumunod na din sya, dala dala yung niluto nyang noodles.
"Kumain ka na nang mabawasan ang lamig na nararamdaman mo." sabi nya nang mailapag nya ang mangkok na may lamang noodles. Hinila nya ang isang upuan at umupo sya tapat ko.
Ako naman? Nakatitig lang sa mangkok na may lamang noodles. Pero naibaling agad ang pansin ko sa kanya nang tumunog ang cp nya.
"Excuse me" sabi nya sa akin saka pumunta sa sala.
Hindi naman kalayuan ang sala tsaka, nakabukas pa ang pintong naghihiwalay sa dalawa, kaya ito ... naririnig ko yung pakikipag usap nya sa taong nasa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]
RomanceAVAILABLE IN BOOKSTORES NATIONWIDE. Grab a copy and enjoy!