May 5, 20xx
“Kahit magkano pa ang ibayad mo, wala talagang luluwas ng bayan iha. Sabado lang kasi kami pupunta doon tsaka pista pa ngayon. Marami pa kaming ipaghahanda.” Malumanay na pagpapaliwanag ng isang drayber sa akin. Pati mga kasamahan nya tumango din which makes me frustrated early in the morning! Alam kong malayo talaga ang bayan sa kinaroroonan ko ngayon, pero willing naman akong magbayad eh.
“Kuya… please? I badly need to go back to Manila.” Kulang nalang lumuhod ako para tulungan nila akong makaluwas ng bayan kaso tanging paglingo lang at sorry ang natatanggap ko sa kanila.
“Baby!” Wala na. Hindi na talaga ako makakaalis. “Ka-aga-aga andito ka na sa labas? Ano bang ginagawa mo? Nataranta kami sa loob sa kakahanap sayo.” Hinawakan ni Mom ang kamay ko at humarap sa mga drayber. “Pasensya na kayo kung nadistorbo kayo.” Saka nya ako hinila pabalik sa bahay.
“Mom, ‘yong kotse.” Naiiyak na ako sa sobrang depress. Akala ko aayon sa mga plano ko ang araw na ‘to ngunit hindi na pala.
“Nabutas talaga ang gulong baby. Nakita mo naman kanina, diba?”
Nabutas o sinadyang butasin? ‘yan ang gusto kong itanong sa kanya. Grabe naman kasi! ‘yong apat na gulong talaga ang nabutas, di lang isa! Di naman ako ganoon ka-bobo para di mapansin ‘yong ibig nilang mangyari—ang hindi ako makauwi ng Manila.
“Pwede pa kayong magcelebrate bukas baby. Tutulungan pa kita sa preparations.” Binuksan nya ang gate ng bahay. Tinitigan ko sya nang sabihin nya ‘yon. Mas lalo tuloy akong nanlumo.
“Wag na.” Walang gana kong sagot. “Ngayon ang monthsary namin, hindi bukas.”
“Pareho lang ‘yon baby. Kayo pa rin ang magkasamang magsi-celebrate. Monthsary nyo pa rin ang sini-celebrate nyo. Ang kaibahan lang ay pinagpabukas nyo. Tsaka ngayon lang ‘to. Isang beses lang.”
Isang beses.
Napalingo ako kaagad at yumuko. Pumasok na ako nang mabuksan ang gate nang hawakan nya ulit ang kamay ko at hinila ito. At sa twing ginagawa nya ‘yan, that means she wants to have a talk with me.
Hinarap ko sya na nakatingin lang sakin, hinihintay na magsalita ako.
“Isang beses lang?" tanong ko at tumango sya. “Isang beses lang. Pero paano kung masundan ang unang beses na ‘yon? Just like when I first lied. Sabi ko, isang beses lang naman kaya okay lang. Tapos sa ikalawang pagkakataon, nakapagsinungaling ulit ako. I thought it was fine kasi second time palang ‘yon. Pero nasundan ito ng nasundan… hanggang sa hindi ko napansin, araw-araw na pala akong nagsisinungaling. The reason? Nasimulan ko kasi ng isang beses. At nasanay ako.”
Tumingin ako sa ibang direksyon, huminga ng malalim bago tuluyang humarap ulit sa kanya. “Pano kung masanay din kami sa pagpapabukas na ‘yan dahil sa isang beses na ‘to? Ayoko ng ganoong klase ng relasyon Mom. Baka puro na kami ‘Next time na lang. May bukas pa naman.’ ‘til we end up breaking up. Hindi naman sa ayoko kayong makasama. You know how much I wanted to spend time with you and Dad. Kaso wrong timing lang. Gusto ko kasi makabuo ng matatag ng foundation from the very start so that when we reach the peak of our relationship, we can hold on to that for support. Just like your relationship with Dad.”
BINABASA MO ANG
I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]
RomanceAVAILABLE IN BOOKSTORES NATIONWIDE. Grab a copy and enjoy!