Chapter XLII-b (Reason)

55.5K 1K 135
                                        

XYLA's POV

"Ma, yung student ba ni Kuya na nakausap mo nung Christmas ang tinutukoy mo?" Tanong ko sa kanya habang tinatapos ang takdang-aralin ko. "Kasi kung ganun, sabi ni Kuya... Mei Jinx Lisondra ang buong pangalan nya. Ang cuteee noh? UNIQUE~"

Naglapag ng isang basong gatas si Mama sa study table ko saka sinimulang i-check ang drawer at closet ko. Sinisigurado lang nya na maayos kung nililigpit ang lahat ng gamit ko. Ayaw nya kasing maging burara ko, yan pa naman ang pinakaayaw nya sa lahat.

"Lisondra pala. Teka, wala ka bang nababalitaan sa batang yun?" Tumigil ako sa pagsusulat at humarap kay Mama. "A-ano.. ang ibig sabihin ko Xyla--"

"Ma, naaksidente sya. Yan ang balitang alam ko sa kanya." Sagot ko at napayuko. "Pakiramdam ko nga isa ako sa may kasalanan kung bakit nangyari yun sa kanya."

"Naaksidente?! Kailan pa? At ... bakit mo nasabing may kasalanan ka Xyla? Hindi ba't pinagbawalan na kitang gumamit ng kotse ng Kuya mo o kahit kanino?!" Nilapitan nya ako na may bakas ng pagtataka at pag-aalala sa mukha nya.

"Ma, hindi na ako nanghihiram ng kotse kahit na kanino. Tanungin pa si Kuya, and if I do use his car... marunong akong mag-ingat sa pagmamaneho." Mukha kasing naguguluhan si Mama na halatang halata sa pagkunot ng noo nya. "Ma... I feel guilty not because ako ang nakabangga sa kanya. I heard nga from Kuya na schoolmate lang daw ni Ate ang nakasagasa sa kanya."

"Yun naman pala. Bakit mo pa sinasabing ikaw ang may kasalanan?"

Napabuntong hininga ako sa tanong ni Mama. I may not be directly involved in the accident but I truly feel, I am part of the reason why she got into that accident.   Kasi sa twing maalala ko na naaksidente si Ate Mei, hindi ko mapigilang kabahan na animo may malaki akong kinalaman kung bakit nangyari sa kanya yun.

Kaya nga hindi ko magawang kausapin si Kuya Xavier ng matino. Pansin ko namang mahal nya si Ate kahit di nya direktang sinasabi... kaya natatakot ako na baka magalit sya akin pag sinabi ko sa kanya to.

"It was Feb 14. 2 hours before the accident, nagkita kami ni Ate Mei sa school nila cause she texted me the night before na gusto nya sana akong makausap. Kaya ayun, dinala ko sya dito sa bahay. Bihis na bihis nga sya eh~ Though she denies it, but I feel she will be having a date later. Nag-usap kami about something hanggang sa naisipan kong maghanda ng kahit anong makakain namin.

Wala ka sa bahay that time kaya ako na natagalan sa kusina. Nang bumalik na ako sa sala... agad agad nya akong tinanong pero nakangiti pa sya nun. Yung larawan natin with Kuya Kai, Tita Lyn and Tito Luke? Tinuro nya yun."

  

** flashback

"Close nyo pala family ni Kai?" nakangiting tanong ni Ate sa akin matapos ituro ang picture frame na nakasabit sa dingding ng bahay.

"Kilala nyo pala si Kuya Kai?" tanong ko at tumango sya at binalik ang tingin sa larawan namin. "Aaah.. Yes Ate. Pinakaclose namin sa lahat ng relatives ang pamilya nila. Tsaka ang Papa ni Kuya Kai at Papa namin ni Kuya ay super close na magkapatid." Nilapag ko ang isang bowl ng cookies at pati na rin ang maiinom namin. "Kain na muna tayo Ate Mei~ Sorry kung yan lang--"

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon