Can you give this to her~? I'm so busy and I think she really needs it today as said by the Doctor. And as far as I know, she's in the Mall right now.
Kanina pa ako palakad lakad at paikot ikot sa loob ng Mall, kahit nakakapagod na. I can't stop cause if I would... I'll lost sight of her.
Tinignan ko ang watch ko, and it's saying... limang oras na akong andito na sinusundan sya. -___-
Hindi ko namalayan ang oras dahil sa hilo na ako ng konti sa padami ng padami na mga tao sa Mall. Nagiging malabo na din ang paningin ko kahit naka eye glasses pa ako. Bakit pa kasi ang daming tao ngayon? Weekdays naman sana... tsk.
Naglakad ako nang mabilis nang makita syang naglakad uli. Kailangan ko syang sundan hanggang sa maibigay ko to sa kanya. Nilakahan ko ang mga hakbang ko para maabutan at di sya mawala sa paningin ko. And luckily, with the whole five hours that I've been following her, hindi ko pa naman sya naiwala sa paningin ko.
She stopped. Nakita ko syang pumasok sa isang boutique na nagbebenta ng iba't ibang klaseng damit na pambabae. Alangan namang sundan ko pa din sya doon, kaya minabuti ko nalang na maghintay at magpahinga na rin dito sa isang bench na nasa tapat lang ng boutique.
Napatingin ako sa hawak hawak kong paper bag. Pwede ko namang ibigay to sa kanya ngayon o kahit kanina... kaso tinamaan ako ng hiya lalo na ng makita ko sya kaninang kasama si Enzo. Yes, they're together kahit pagpunta lang dito sa Mall. Buti nalang at mukhang naunang umuwi si Enzo.
"Siguro pag lumabas nalang sya ng Mall saka ko to ibibigay."
Mga ilang minuto din sya sa loob at di kalauna'y lumabas na din sya at nagsimula na namang maglakad papuntang... hindi ko na alam. Sumakay sya ng elevaror pababa kanya sumakay na din ako.
Sa totoo lang, ngayon ko lang nalaman na maala-Dora pala sya... and I'm not kidding. Limang oras na sya dito sa Mall at halos maikot na nya ang kabuuan nito, pero bakit di pa rin sya napapagod?
Girls, tell me. Anong meron sa Mall at kaya nyong mag-stay dito ng paikot-ikot for hours? -.-
Patagal ng patagal, lalong dumaragsa ang tao. And this is what I hate. Kaya nga sa twing pumupunta ako dito para mag-grocery... yung mga oras talaga na wala masyadong tao ako dumadayo dito. Cause I couldn't afford being in a crowded place.
Halos tatlong minuto syang naglakad ng tuloy tuloy at di man lang napahinto nang saglit kahit sa isang store... kaya yun din ako. Lakad lang ng lakad kahit napapagod na.
Nakaramdam na ako ng kakaiba sa tyan ko habang sinusundan sya. I feel like I'm going to throw up. But I tried to calm myself and still followed her.
Hanggang sa huminto sya.
Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga. I was about to turn around but I noticed, I was already in the middle of the crowd. Maraming pa ngang padagsa papunta dito. Nagsisigawan silang lahat na halatang hyper sila... for the reason that I don't know. Luminga linga ako para makapaghanap ng lugar na pwedeng labasan ko, pero nasa gitna ako. Ang hirap na ngang gumalaw.
BINABASA MO ANG
I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]
RomanceAVAILABLE IN BOOKSTORES NATIONWIDE. Grab a copy and enjoy!