CHAPTER XLIX
MR. S’ POV (The Somebody’s POV)
Mukhang labag pa sa loob nya ang maupo nang makita ako na naghihintay sa sala. He wasn’t expecting me to be the owner of this mansion. Ngayon palang kasi sya nakatapak dito. Ni isa sa pamilya nila wala pang nakakaalam nito.
Iniusog ko ang isang tasa ng kape sa direksyon nya. “That’s all I can offer. Nagpapaluto palang kasi ako sa mga kasambahay.” I told him nang tingnan lang nya ang tasa ng kape.
Tumikhim sya bago iniusog pabalik sa akin ang tasa. “You know what I want. Where is she?”
“Who? That girl? Is she your friend? Or rather, your sister?” tanong ko na diniinan ang pagsabi ng huling salita. Didiretsuhin ko naman sya sa pagtatanong, I just want to confirm kung ang babae ba talagang ‘yon ang tinutukoy nyang step-sister nya.
“What if I say she’s my friend?” Patanong nyang sagot sa akin.
Kai, you’re really are… aish. Di ko akalaing ang batang isa sa inaalagaan ko noon, ngayon ay sinasagot na ako ng ganito. I may be their driver before… pero kahit papano, ako din nagbabantay sa bwibwit na yan noon. “Hindi ako maniniwala sayo.” Sagot ko nalang.
“Di ka rin naman pala maniniwala, then why bother ask me?” he sarcastically answered me with a smirk on his face. What a brat.
“Kasi akala ko sasagot ka ng matino. Especially that I have the right to know about it. Sino ba talaga sya sa buhay mo Kai?”
Alam kong alam nya ang ibig kong sabihin. All I want is to know the truth and be able to make up with her. “Anak ko ba sya? Is she the step-sister you mean before?” dagdag tanong ko nang hindi sya sumagot.
Tinitigan ko sya habang mahigpit na nakahawak sa tasang hawak ko. Every second that he didn’t utter a word, made my heart throb so fast. Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso sa pwedeng isagot nya.
“Shouldn’t you be the one answering that?” Ipinagkrus nya ang mga bisig nya saka nya ako biglaang pinukol ng isang mabigat na tanong. “You and Mom… you had an affair, right?”
I felt the intense emotion building up inside of me. Nilapag ko ang tasa saka tinignan sya.
I know, I can simply deny it. But I couldn’t. Gusto kong itago, pero mas gusto ko ding sabihin ang totoo. Kasi what if… sa pagsabi ko sa kanya nya ng totoo, ay aaminin din nya ang totoo kung anak ko ba talaga ‘yong babae?
Niyuko ko ang ulo and stared at the small table in front of us.
“Is just a simple Yes or a N--”
“Yes.” Pag-amin ko na hindi sya tinitignan. I’m still ashamed of what I did before. Kung hindi lang sana ako nagpadala sa tukso sa Mama nya. “I had an affair with your Mom and I’m sorry for that. I admit that was the biggest mistake I did.”
BINABASA MO ANG
I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]
RomanceAVAILABLE IN BOOKSTORES NATIONWIDE. Grab a copy and enjoy!