Dear Sir Xavier Felix Arellaño,
Hello Sir! My future husband. Hahaha. Thank you sa pag say YES mo, ha? Ay di pala. Sabi mo… bahala ako sa buhay ko. O sha! Parang payag ka na din diba? Basta, ito na. I’ll be serious. Love letter ‘to ha? Baka ano pang akalain mo dito. Pero kung di man mukhang love letter ito para sayo, i-imagine mo nalang na love letter ‘to. :”)
Ito palang ang patikim ko sa panliligaw ko sayo.
Mag ingat ka palagi ha? Papakasalan pa kita e. ♥
Ang masugid mong manliligaw,
Mei :">
"Amazing~! Ako di pa nakakatanggap ng lab letter, tapos si Sir naunahan ako! Wushuu~ Kay swerteng geek." Itinupi ko ng tatlong beses yung sulat kong puno ng lab ♥ lab ♥ lab ♥!
Sa totoo lang di ko alam kung ganoon ba talaga ang laman ng love letter. Kaya kung ano nalang maisip ko ang sinulat ko.
Pinasok ko ito sa loob ng isang puting sobre. At may heart na sticker pa sa may flap nito. "TADA~!!!"
Tumayo na ako at naglakad na papuntang opisina nya. As in, agad-agad talaga. Excited na ako sa magiging reaction nya. Hihi~
"♪ La la la la la"
Love letter ang ginawa ko kasi nagtanong-tanong ako kanina kung ano ang magandang simula ng isang panliligaw. At mas maraming nagsabing love letter daw! Kaya sinunod ko payo nila. Syempre, di ko sinabing ako ang nanliligaw.
Ilang minuto lang ng paglalakad ay nasa tapat na ako ng pinto ng opisina nya. Napangiti tuloy ako habang nakatitig sa pinto.
Bakit parang ako pa ang kinikilig? :”) Sana may magbigay din sa akin ng love letter someday.
Kumatok ako ng tatlong beses saka ko narinig ang sagot nya. "Bukas yan."
Pagpasok ko, ang wagas pa ng ngiti ko… hanggang sa makita ko syang nakaupo at nakahawak ng … LIBRO na naman. At sa puntong ‘yon ko lang naalala na sa kabila ng itsura nya, geek nga pala ‘tong nililigawan ko kaya dapat masanay na ako.
Huminga ako ng malalim saka naglakad papalapit sa mesa nya. Infairness, hindi magulo ang table nya with all the paper and school stuff. E yan kasi laging napapansin ko sa mga Prof e, ang kalat ng mga table.
"Sir." Tawag ko para pansinin nya ako. Hindi nya naman kasi ako tinapunan ng kahit isang tingin nang pumasok ako. Nakakahurt lang.
Inihinto nya ang pagbabasa nya at tumingin saglit sakin. "Is there anything I could do for you?" tanong nya. Ow, hindi na sya galit! Kahapon lang kasi nangyari ‘yong sa classroom incident. Akala ko hanggang ngayon, masama pa rin aura nya.
“Hello Sir.” Nginitian ko sya, labas ngipin talaga.
Take note. Nag-toothbrush pa ako ngayong tanghali para lang mas lalong pumuti ang ngipin ko pag kaharap sya. Isang oras pa ako sa banyo para lang mag-ayos ng buhok ko at magpulbo. Y’know to be presentable sa paningin ng nililigawan mo.
BINABASA MO ANG
I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]
Любовные романыAVAILABLE IN BOOKSTORES NATIONWIDE. Grab a copy and enjoy!
![I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]](https://img.wattpad.com/cover/842209-64-k57742.jpg)