Chapter XXII (Sinungaling -____-")

63.7K 1.1K 82
                                        

Hinaplos ko ang makinis nyang mukha. Pero dahan dahan lang para di sya magising. Nakangiti pa nga akong parang timang habang pinagmamasdan sya habang natutulog dito sa sofa ng office nya.

Grabe. Ang gwapo nya talaga.  Geek nga lang talaga. =.= With a b*tch as her childhood friend, and worst ... lover pa. Yun lang ata mapipintas ko sa kanya kasi he's almost perfect na eh!

"Xavier ko..." Ngayon ko lang sya ulit natawag ng ganito.

 

I miss calling him that way.

The feeling na pag yun ang tawag ko sa kanya, parang AKIN talaga sya.

Kung wala lang talagang Eunice na nag-e-exist, araw-araw pa sana akong nakakabanat para makita syang mamulang parang kamatis lang! Kaso hindi eh. May isa kasing extra na nagpapangiti din sa kanya. And he loves her.  

So, mali pala ang sinabi kong sya yung extra. Ako pala yun. Tch. Lageh naman eh! 

"Huy! Gising na." sabi ko habang sinusundot ang pisngi nya. Ang lambot~ Parang bata lang aaah!

Kanina ko pa sya ginagalaw galaw pero di pa rin sya nagigising. Sobrang pagod ata at di man lang ako napapansin. Kaso, may klase pa kami mamaya eh! Sya kasi at yung Eunice ang teacher namin sa Bio ngayong 2nd sub ng hapon. Co-Prof nya kasi ang babaeng yun! Sya pala yung tinutukoy na kausap ni Sir nung mag absent sya sa klase namin last year. 

"Xavier!!!" naka-pout kong pagdadrama sa harap nya. Para namang makikita nya? Tch. "Pag di ka nagising dyan... gagahasain kita!!!"

^________________^ Bakit pa halik kung pwede namang ganun dba? Haha!

I was expecting na magmamadali syang gumising dahil sa sinabi ko... pero =_______= Di pa rin sya gumigising!!! Anoba!!! Baka naman gusto nya talagang magpagahasa sa akin? HAHAHA! :) 

Narinig ko ang pagtunog ng bell which means... klase ko na.

Hinawakan ko muna ang kanang kamay nya saka pinisil ito bago tumayo. "Alis muna ako Xavier."

Hindi ko naman mapigilang mapangiti nang kumunot ang noo nya nang sabihin ko yun. Feeling ko tuloy parang ayaw nya akong umalis. :D Pero feeling lang yun ok? 

Hinaplos ko ang mukha nya... at marahang Inilapit ng konti ang mukha ko sa kanya... sabay bulong sa tenga nya, "Hindi kita pipiliting mahalin ako...

Pero Xavier, paki-try naman oh!" 

Hindi ko kasi kayang sabihin sa kanya ng harapan at gising sya... alam kong, ako lang yung masasaktan. Iba kasi mahal nya.

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at hinalikan ko na sya sa pisngi! Ang ganda sana kung sa labi pero... wala pa akong pers kiss eh! Wag muna! HAHAH ^o^ 

"Xavier ... pag natutunan mo kong mahalin, pramis hindi ka magsisisi. Kasi maaaring hindi nga ikaw ang unang minahal ko,

 

 

 

 

 

 

 

pero mapapanigurado ko naman na ikaw ang huling hahawak ng puso ko." 

"HOY JINX! GUMISING KA NA SABI! 7:00 NA!!! KANINA PA TUMUTUNOG YANG ALARM CLOCK MO!!! DI KA PAPASOK?!"

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang sigaw ni Kuya at napatingin sa alarm clock ko. >_________< 7:05 na nga!!! 

"OO NA!!!!!!!!!!!!!!" pasigaw ko ding sagot sa kanya at dali daling inayos ang pinagtulugan ko. Tsk tsk! Bakit kasi napahaba tulog ko??! May exam pa naman kami sa English ngayon!!!

  

Pagkatapos ay dumiretso na ako sa banyo at humarap muna sa salamin para magsuklay. Tch! Sang sabungan ba ako nagpunta at ang gulo ng buhok ko?!?

Xavier ... pag natutunan mo kong mahalin, pramis hindi ka magsisisi. Kasi maaaring hindi nga ikaw ang unang minahal ko, pero mapapanigurado ko naman na ikaw ang huling hahawak ng puso ko.

Natigilan naman ako sa pagsusuklay nang maalala yung panaginip ko. What the hell was that?! =___________= Was that a joke??? Di ko maalalang may gusto ako sa isang geek... tas sa panaginip ko, biglang ganun?

Haaaaaaaaayssst!!! SINUNGALING NA PANAGINIP!!! Err -________-" 

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon