The school is my muse.
I rolled my eyes after reading his post. “Hindi nga siguro uso ang salitang ‘LOVELIFE’ sa vocabulary nya? O baka nabura.”
Nag-scroll pa ako sa buong wall ng facebook nya just to y’know, maki-chismis sa posts and status nya. Nagulat nga ako nang malamang may FB sya. Akala ko pati social networking sites, waley din sa dictionary nya.
"HOOOOOOOOOOOOOY STALKER!!!"
"AY PAKSHET!" Nasapak ko sya kaagad sa braso dahil sa gulat. "Leche ka talaga Cyl! Nasa bukid lang tayo, teh?" Makasigaw kasi sya parang ilang bukirin pa ang pumapagitna sa amin.
Aba! Inirapan pa ako ng loka. "Wooooshooo~ Manahimik ka nga! Kitang busy ako e."
At ako pa ngayon ang kelangang manahimik? Sino bang bigla-biglaan nalang sumigaw sa amin, ha?!
Taas-kilay ko syang tinignan. Nakalapit kasi ang mukha nya sa screen ng computer na ginagamit ko dito sa internet café. Yeah, we’re in a public place at kung umasta sya parang sa kanya ‘to… which is sa kanila naman talaga.
Magsigawan man kami o kaya magmurahan o mag-gyera... it's TOTALLY fine. Pero minsan napapagalitan din ng mga KJ na customers.
"Omygolly~ It’s confirmed. Stalker ka nga talaga teh. Wala sigurong araw na di mo binibisita ang profile ni Sir ‘no? Kahit siguro maputulan kayo ng WIFI sa bahay, mag-iinternet ka pa rin para makapag-stalk. Right?" May nakaukit na mapang-asar na ngiti sa labi nya nang humarap sya sakin.
What the hell is she thinking again?
And before I could even defend myself, binalik nya ang atensyon nya sa screen ng computer. Kinuha pa nya mula sakin ang mouse saka pinagbubuksan yung ibang tabs.
Aish. Spell pakialamera? C-y-l.
"Omygollylollipop~! Look at these tabs, puro lang si Sir ang laman neto iiiih!"
I just nodded while at the back of my head… gusto ko na syang ITULAK, una ang mukha sa sahig.
Kelangan ba kasing ipagsigawan? At sino bang may sabi na … hindi tungkol sa kanya ang laman ng mga tab?
Nakatuon na ang pansin nya sa mga larawang nasa mga tab na pinagbubuksan ko kanina. "Nyemas teh, ang HAWWWWTTT! Tignan mo oh, t-shirt palang yan!" Shiz. She’s drooling. Kadiri talaga ‘to. "Omygollylollipop~! Ansarap nya~!"
Hala sige, di na nahiya sa gumagamit ng computer. Kung sana lang libre ‘to pero hindi e! Tsk!
"Hoy Cyl pwede ba, inyo naman ‘to diba? Gumamit ka nga ng computer dyan at dun magpantasya! Wag dito, ginagamit ko pa teh." Hinablot ko sa kanya ang mouse at kaagad ko syang pinausog.
Maibalik na nga lang sa Home. Pati lahat ng tabs na nakabukas ay sinara ko na. “Oy teh, bakit mo sinara?”
BINABASA MO ANG
I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]
RomantizmAVAILABLE IN BOOKSTORES NATIONWIDE. Grab a copy and enjoy!