Chapter LVII

41.8K 853 53
                                        

“Jinx, bakit parang di ka mapakali dyan?” Oo, alam ko Kuya. Alam ko! Kaya di na kailangang sabihin sa harap nina Mom at Dad. Aaaargh!

Basang-basa na sa pawis ang mga palad ko sa sobrang kaba. “Natatae ka ba?” Litsi epal. Kuya, higit pa sa natatae nararamdaman ko ngayon. Parang gusto ko na nga isuka lahat ng kinain ko kanina.

"Hala ka~" pang-aasar nya na di ko nalang pinansin.  Nyemas, dahil ako ang todas ngayon... sya naman ‘tong nagpapakasaya. Asar.

“Alam naming alam mo ang gusto naming pag-usapan ng Dad mo with you.” Of course I know. Pero hinay-hinay lang. Patawag muna ng embalsamador! Mamatay na yata ako. “Care to explain?”

Dalawang pangungusap pa lang ni Mom, pakiramdam ko na nauubusan na ng oxygen supply ang bahay namin! Tang*na! Bakit kasi napaaga sila ng dating?! ‘kala ko next month pa uwi nila. Hindi tuloy ako nakagawa ng script!

“Pwede ka ng magsimula.” Mahinahong hudyat sakin ni Mom. Habang si Dad… ayon, mataimtim na nakatitig sakin.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. They had this serious look on their face which hinders me from feeling comfortable.

“Mom. Dad.” Inhale. Exhale. Hoo. Impromtu na. Kung anong lumabas sa bibig ko, ‘yon na. “Mom and Dad, I…”

Oh sh*t!  I? What Mei?! Wala na, hindi ko na alam kung anong idudugtong.

“Bilisan mo Jinx! Excited na ako.”  Bwiset talaga ‘tong Kuya ko! Feeling ko kahit hanggang sa kamatayan ko, aasarin at aasarin pa rin nya ako.

Inhale. Exhale. Relax Mei. Kaya mo ‘to.

Huminga ako ng malalim bago itinuloy ang sasabihin ko. “Mom and Dad I want you to—Yes! I… n-o. I mean, yes ako na ang lalabas to… check who it is.” 

Mas mabilis pa sa cheetah akong nakalabas ng pinto nang may nag-doorbell. Thank God may bisita! At least makakahinga at makakapag-isip pa ako ng coherent sentences to answer my parents questions.

Grabe, nakakasakal sa loob dahil sa atmosphere. Now I know how it feels to be in a freak*ng hot seat.

“Mei? Are you alright?” Oh… my! Agad ding nagbalik ang kaba ko nang malipat ang pansin ko sa kanya. Madali ko syang nilapitan na nasa labas ng gate namin.

“Anong ginagawa mo dito?!” Tanong ko habang tinatanaw ang pinto ng bahay namin tapos ay tumingin ulit sa kanya. “Ano?” 

“Gusto sana kitang ayaing kumain sa labas.” Malumanay nyang sabi.

ASFDNAWJSFNJAD!!! First time. First time na inaya ako ni Xako kumain sa labas!!! Aish, kung wala lang sanang problema, kahit ako na magbayad sa kakainin natin kaso…“Sorry, pero di ako pwede ngayon e. Next time nalang Xavier ko.”

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon