Chapter LX [Mysterious Textmate]

36.6K 736 45
                                    

May 2, 20xx

 

“Ate, hindi ka ba kakain?” Tanong ng pinakamatanda sa kanilang magkakapatid, si Owen. Suot-suot nya ang bagong bili kong t-shirt para sa kanya at sakto naman ang sukat nito sa patpatin nyang katawan.

“Busog pa kasi ako.” Nakangiti kong sagot sabay pinunasan ang pisngi nyang may butil ng kanin. “Wag kayong mag-alala sakin. Kumain lang kayo. Kailangan nyo pang ubusin lahat ng inorder ko, diba?” sabi ko nang huminto din ang dalawa sa pagkain.

Isang matamis na ngiti naman ang tinugon nila lalo na ng pinakabunso saka pinagpatuloy ang pagkain.

Tinitigan ko lang sila habang nilalasap nila ang sarap ng bawat nakahain dito sa mesa. Nakakatuwa silang pagmasdan, ‘yong tipong mapapangiti ka nalang sa simpleng panonood mo sa kanila na takam na takam sa pagkain.

"So here you are sissy!" Nabigla naman ako nang may yumakap sa akin mula sa likod, nahampas ko tuloy.

"Wag mo nga akong gulatin Kai!" This idiot is suppose to be going back to the US but he insisted in staying. At ito nga, nangungulit na naman simula ng makaalis ang mga magulang nya kahapon.

"Hala, ang kyot nga nila!" Dali-dali namang nilapitan ni Xyla ang mga bata saka pinagpipisil ang pisngi lalo na nung bunso. "Anong pangalan mo?"

"Micky." Mahinang tugon ng bata na may nginunguya pang pagkain.

“Kasing kyot nya ang name nya!" Saka sya hinug ni Xyla.

“Hello kids!” Umupo sa tabi ko si Kai at nagkakaway-kaway sa mga bulilit na kasama namin. “I’m Kai. Mei’s brother. Now, can you tell me your names?”

“What’s their problem?” tanong nya  nang mapansing tumitig lang sa kanya ang mga bata.

“Magtagalog ka.”

“Ow. Sorry.” Tumingin sya ulit sa mga bata na mukhang naguguluhan sa kinikilos nya. “What—I mean… anong pangalan nyo?”

At nagsimula na nga ang pagpapakilala ang mga bata sa kanya sabay sunod ng mga tanong na sinasagot karamihan ni Owen.

“Asan ang nanay nyo?” biglang tanong ni Kai na nagbura sa ngiti sa mga labi nila.

Tumingin si Cassandra sa Kuya Owen nya na mukhang nagpapahiwatig na sya na ang sumagot. “Iniwan na po kami para sa kinakasama nyang mayaman.” Walang ganang sagot ni Owen.

Nagkatinginan kaming tatlo at si Xyla ang sumunod na nagtanong. “Kung ganon, sinong nag-aalaga sa inyo?”

"Si Tatay." Sagot ni Cassandra. "Kaso nagta-trabaho pa sya ngayon. At habang nagtatrabaho sya, naghahanap din kami ng pagkakakitaan para makatulong."

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon